Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Sunday, May 23, 2010

Kris: Shalani proves love to Noynoy during campaign

Habang lumilinaw na si Senador Noynoy Aquino ang susunod na pangulo ng bansa, nananatiling malabo naman kung pakakasalan na nito ang nobyang si re-elected Valenzuela Councilor Shalani Soledad.

Patuloy pa rin kasi ang pag-iwas ni Noynoy sa mga tanong ng media kung may magaganap na kasalanan sa Malacanang sa malapit na hinaharap ngayong tapos na ang kampanya.

Ngunit laging paliwanag ng kuya ni Kris Aquino na mas kailangan muna niyang tutukan ang bagong responsibilidad na nakaatang sa kanyang balikat ngayong inaasahang na siya ang papalit na lider sa Palasyo.

Sa mga isinasagawang bilang ng mga boto sa mga kandidato sa katatapos na halalan, mahigit limang milyong boto ang kalamangan ni Noynoy sa sumusunod sa kanya na si dating pangulong Joseph Estrada.

Sa mga unang panayam kay Noynoy, aminado ang 50-anyos na binata nina dating pangulong Cory Aquino at dating senador Ninoy Aquino Jr., na madalas ay nagiging sentro siya ng atensiyon sa pagtitipon ng kanilang angkan dahil lagi siyang natatanong kung kailan siya lalagay sa tahimik.

Minsan na rin inamin ni Noynoy na nakakaramdam siya ng inggit sa kanyang mga kaklase at kaibigan kapag nakitang kasama ang kani-kanilang pamilya kapag nagkikita sila sa pagtitipon.


Bongga ang kakampi ni Shalani

Sa episode ng The Sweet Life nitong Biyernes sa QTV 11, naging bisita nina Lucy Torres-Gomez at Wilma Doesnt si Kris. Si Lucy ay nanalong kongresista sa Leyte sa ilalim ng Liberal Party na partido ni Noynoy.

Nang tanungin ni Wilma si Kris kung nagbibigay ito ng advise sa kanyang Kuya 'Noy pagdating sa usapin ng pag-isip, sinabi ni Kris na nakita niya noong panahon ng kampanya ang pagmamahal ni Shalani sa kanyang kuya.

Ayon kay Kris, bumilib siya kay Shalani sa ibinigay nitong suporta at pagpapakahirap sa kampanya ni Noynoy. Nag-ikot umano sa maraming palengke ang konsehala sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas habang hindi pa nagsisimula ang local campaign.

Nanalo muli at naging number one councilor sa Valenzuela ang nobya ni Noynoy.

"Kung prove your love medyo na-prove naman n'ya (Shalani) talaga thru service. So I told her basta kakampi mo ko...o 'di ba bongga 'yon, ako yung kakampi n'ya," natatawang kuwento ni Kris.

'Presidential sister'

Tulad umano ng panahon na ang mommy nila na si Gng Cory ang nakaupo sa Malacanang, sinabi ni Kris na tutulong din silang magkakapatid na babae sa administrasyon ni Noynoy.

Batid daw ng senador na hindi niya magagampanan ang lahat ng trabaho ng isang pangulo kaya kakailangan niya ang tulong ng mga kapatid. Kinausap na raw silang magkakapatid ni Noynoy para sa kanilang magiging papel sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Kris, sa ginawa nilang pag-iikot sa bansa noong panahon ng kampanya ay may kanya-kanya silang magkakapatid na nais tutukan matapos nilang makita ang mga problema sa bansa.

"Sabi ko ako Noy nakita kung gaano kaganda ang buong Pilipinas. Kulang tayo sa pag-push ng tourist, at this moment we only have 3 million (tourists a year). Ang Thailand na nagkakagulo ngayon averaging 15 million. Maka-six million lang tayo that's another 3 million jobs," paliwanag ni Kris.

Idinagdag niya na babalikan nila ang mga lugar kung saan sila nagbitiw na pangakong tulong upang matiyak na matutupad nila ito sa loob ng susunod na dalawang taon.

Posible rin umanong magsalitan silang magkakapatid sa pagdalo sa mga State Visit ni Noynoy. Pero bukod sa "official" function, si Kris pa rin umano ang mangangalaga sa mga isusuot at magiging image ng kanyang kuya hanggang sa pagpapagupit nito.

Tiniyak din ni Kris na hindi nila bibigyan ng sakit ng ulo si Noynoy dahil batid nilang maraming problema ang bansa na kakaharapin ng susunod na pangulo.

Inamin din ng aktres na may mga kandidatong senador na hindi kasama sa partido ni Noynoy ang sinuportahan niya.

"Puwede nang sabihin ngayon 'di ba tapos na naman...Meron naman akong mga binoto na senatorial candidates na hindi kapartido ni Noy. Alam ni Noy yun kasi gumawa pa ako ng commercial isa sa kanila, yung isa doon kumpare ko," pag-amin ni Kris.

1 comment:

  1. congrats noy khit wla p ang proclamation, panalo kana... kaya pakasalan muna s shalani she is a good partner for you masyado n matagal ang 6 years anyway pwede k mag serve n married kna your not getting younger kht mahal k ng mahal m at willing to wait i think pag nakaupo kna noy bgyan m ng time s shalani very beautiful and intelligent person sana ma priority m sya...godspeed -lira erasmo

    ReplyDelete