Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Wednesday, May 26, 2010

Kris may bagong kaaway


Kung totoo ang balita, malamang madagdagan na naman ang ma­ga­­galit kay Kris Aquino dahil hin­di pa man nakakaupo ang kan­yang kapatid na si Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa ay na­ba­balita nang inalok niya si Joey de Leon para pamunuan ang Optical Media Board (OMB) na nangangasiwa sa pagsugpo ng pi­ra­cy sa bansa. Pina­mumunuan ito sa ngayon ni Ronnie Ricketts. Bago siya ay si Edu Manzano ang head dito. Uma­lis lamang ito nang magpasyang tumakbo bilang bise presidente at si Ronnie nga ang humalili sa kanya.

Gayung bago pa lamang si Ronnie sa kanyang trabaho, marami na rin naman siyang nahuhuling pira­ta at nagawang perwisyuhin ang kanilang operasyon sa bansa. Matapang din siya sa pagsa­sa­gawa ng mga raids na hindi man pumipigil sa kanilang operasyon ay nakakaapekto ng malaki sa negosyo ng piracy dahil maraming maki­na silang nakukumpiska at mga tapes, discs, CDs, DVDs na nasisira. Hindi naman ipinauubaya ni Ron­nie sa kanyang mga tauhan at kapu­lisan ang mga ganitong raids, per­sonal siyang sumasama kaya nga tulad ng mga nauna sa kanya sa opisinang ito, inuulan na rin siya ng death threats. Tapos, biglang maba­balitaan niyang may balak nang pali­tan siya sa kanyang pwesto at si Kris pa mismo daw ang huma­hanap ng makakapalit niya? * * *

Sa ngayon, palaisipan pa rin kung sino ang su­su­nod kay Robin Padilla na mag-host ng WO­WO­WEE. 'Di naman puwede si Vhong Navarro dahil host siya ng It's Showtime. Kung tatanggalin siya rito para ilipat sa Wowowee ay ilalagay naman nila sa ala­nganin ang prog­ramang pinagsasamahan nila ni Anne Curtis eh mas mataas pa yata ang ratings nito sa Wowowee. In fact, itinuturing ito na malakas na pre-programming ng Wowowee. * * *

Ang dalawang beses bang miscarriage ni Ge­neva Cruz ang dahilan ng paghihiwalay nila ni KC Mon­tero? Sana ay may iba pang dahilan dahil un­fair naman kay Geneva kung dahil lang dito ay iiwan na siya ni KC. I'm sure hindi niya ginustong mag­karoon ng miscarriage, at dalawang ulit pa! * * *

Talagang pangangatawanan na ni Niño Muhlach ang ne­gos­yo niyang bakeshop. Katuna­yan, kumuha pa siya ng culi­nary course para ma­ging hands on. Ngayon nga naman, siya mismo at hindi ibang tao ang namamahala ng kanyang ne­gosyo. Na-realize ng dating child wonder na lumalaki na ang kan­yang pamilya at para mabig­yan ito ng magandang bukas, kinakaila­ngang palaguin niya at patakbuhin ng magan­da ang ne­gosyo na sinimulan ng kanyang ama para sa kan­ya, gamit ang perang kinita niya sa pag-aartista.

4 comments:

  1. Hello, Miss Kris Aquino, to tell you honesty, noon I dont like you kasi maraming mga nagawang mali sa buhay mo and nanghihinayang ako sa iyo kasi your very much talented na nagmana sa parents mo, para bang sa akin sinayang mo buhay mo hanggang nagkaroon ka ng sariling pamilya, di pa rin ako contented sa iyo, but when your brother run for Presidency, nakita ko yung work mo na talagang nag strive ka to help your brother after all na maraming beses syang nagalit sa iyo....I am proud of you being a sister of Noynoy and nagkamali ako na judge kita, I am sorry for that kaya I really find a way to express my feeling for you b'coz I know your very frank woman and you accept all your mistakes and you fight for what is right. I will pray for your success and to your family. Congratulation to our new President of the Philippines, NoyNoy Aquino, kababayan here in Germany---

    ReplyDelete
  2. Hi ms. Kris no matter what other people says...... i do still like u kc totoong tao k no one is perfect in this world kya normal lang sa isang tao ang magkamali.as i.ve said i like u... wala akung paki sa sa2bihin ng iba kasi i know inggit lang sila sayo kc maganda, matalino,K kaya lagi kang binabato. keep up the good work kris wag u sla pansinin ok. tke care u & ur family too.. congrats sa ating bagong halal n presidente Sen.NOY2 AQUINO 111 NOW OUR COUNTRY HAS A BETTER FUTURE FOR HIM TO BE OUR LEADER. GOD BLESS AQUINO FAMILY

    ReplyDelete
  3. hay naku tama na ang intriga...mind your own business.....taklesa man si kris but im one of her biggest fan...no matter what she does in her life i know she cant stand for it kaya go lang..san ikaw na ang kapalit ni willie sa wowowee medyo bawasan mo lang ang kaartehan mo pag nag host ka ng wowowee kasi pang masa yun..at iwasan mo rin mang okray ng contestant...at si tito boy naman iwasan mo ng barahin sa the buzz at snn,,more power

    ReplyDelete
  4. cecilia milgate..from sydneyMay 31, 2010 at 5:52 PM

    ok ka kris whatever they say..they can;t stop u from being so loved by so many fans,i'm one of them..

    ReplyDelete