Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Sunday, May 16, 2010

Kris malaki ang naitulong sa pagkapanalo ni Noynoy


Umalis si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Baby James at Joshua papunta sa isang lugar na ayaw ibulgar. Magpapa-hinga raw muna ang mag-iina matapos ang nakapapagod na pangangampanya sa kapatid na si Noynoy na posibleng su-sunod na Pangulo ng Pilipinas.

Naiwan ang husband ni Kris na si James Yap dahil may laro ito sa PBA at ito naunawaan ito ni Kristeta.

Sinabi ring hindi magtatagal sa vacation ng mag-iina dahil babalik din sila para ma-kasama ang mga kapatid para ipagdiwang ang pagkapanalo ni Noynoy.

May nagtatanong tuloy kung totohanin kaya ni Kris ang ipinahayag niya noon na kapag nanalo si Noynoy ay mangingibang-bansa silang mag-iina para hindi maakusahan na nakikialam sa kanyang Kuya Noynoy?

Anyway, kahit anong pang sabihin pa ng detractors ni Kris, isa lang ang masasabi namin -- siya pa rin ang isa sa may pinakamalaking naitulong para manalo si Noynoy sa pagka-Pangulo, dahil aminin man o hindi, malaki ang hatak ni Kris sa sambaya-nang Pilipino.

At posibleng bumalik na ulit si Kris sa pagho-host with Boy Abunda.

* * *

Masayang Katrina Ha-lili ang mapapansin nga-yon, unlike before na parang umiiwas siya dahil sa sex video scandal kay Hayden Kho.

Ayon kay Kat, malaki ang ipinagbago niya dahil isa-isa ng natutupad ang gusto niyang mangyari sa isinampang kaso kay Hayden. Isang taon na nga ang naturang kontrobersiya pero unti-unti nang nabi-bigyan ng katuparan ang mga pinaglalaban niya.

"Tapos na ako sa ma-lungkot na chapter ng buhay ko. Pinakamatindi na 'yung nangyari sa akin last year. Marami na akong iniluha. Pakiramdam ko nga ay naubos na ang aking luha.

"Natutuwa ako kasi nga answered prayers lahat. Lahat ng ipinaglaban ko ay nandito na at isa-isang na-tutupad. Hindi naman ma-giging maayos ito kung hindi na rin sa mga taong tumulong at sumuporta sa akin. Panay ang pasalamat ko sa Diyos kasi nga hindi Niya ako pinabayaan. Ganoon din sa mga taong walang sawang tumutulong sa akin," mahabang paha-yag ni Katrina

Hiningan namin ng reaksiyon ni Kat sa pag-alis ni Hayden patungong Amerika gayong hindi pa tapos ang kaso laban sa kanya.

"Lawyer ko na po ang sasagot sa nangyaring 'yan. May gagawin yata silang reklamo. Wala kasi akong alam tungkol sa nangyari. If ever, maghaharap na lang sila ng mga lawyer namin," say ni Kat.

Anyway, balik-trabaho si Kat sa TV series na La-ngit Sa Piling Mo bilang kontrabida kay Heart Evangelista. Wala eaw problema sa kanya tumanggap uli ng kontrabida role.

"Basta may trabaho. I don't mind na magkontrabida ulit ako. Tanggap naman ako ng marami sa role na 'yan. Sa Rosalinda at Darna na kontrabida ako, wala namang naging problema at okey naman ang lahat.

"Alam naman ng lahat na marami akong binabayaran at importante sa akin ang magkaroon ng trabaho. Nagpapasalamat ako sa GMA7 sa ibinibigay nilang tiwala sa akin. "

* * *

Sa Kap's Amazing Stories Kids Edition makakasamang guest co-host nina Ram Revilla at Jayda Avanzado sina Dennis Trillo at Angeli Nichole Sanoy sa episode na world's deadliest animals in Africa.

Ilan sa mga tanong na sasagutin ng show ay kung uubra ka ba sa kalaban na hindi mo nakikita? Magagawa mo bang hindi huminga sa loob ng 45 minutes? Kaya mo bang magpakabusog para hindi kumain ng isang taon? Panoorin ang sagot sa KASKE ngayong Linggo pagkatapos ng Showbiz Central sa GMA7.

No comments:

Post a Comment