Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Saturday, February 20, 2010

Kris, binawalang makipaglaro kay Dingdong


SA episode ng Family Feud noong January 26, lumahok ang Aquino family na kinabilangan nina Jiggy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, Miguel Aquino-Abellada at Ballsy Aquino-Cruz kalaban ang Fantastic Four -- ang apat na honor guards ni dating Pangulong Corazon Aquino na pinarangalan at napansin ng buong bansa sa libing ng yumaong presidente noong August 2009.

Dapat daw sana ay kasama si Kris Aquino sa episode na yon.

'Yun nga lang, hindi raw pinayagang sumali si Kris sa actual game, ngunit sumuporta naman siya sa kanyang pamilya.

Nanood sa GMA Network Studios si Kris kasama ang anak na si Baby James at fashion designer at kaibigan niyang si Paul Cabral.

Nanalo ang Fantastic Four sa jackpot round at nag-uwi sila ng P150,000.00. Matapos ang jackpot round, tinawag ng host na si Dingdong Dantes ang Aquino family at pinasalamatan ang mga ito sa pagsali. Inimbitahan din nito si Kris sa stage at pumanhik naman siya kasama ang cute na si Baby James.

Nagpaunlak ito ng maiksing mensahe kay Dingdong at sinabing hindi nga raw siya pinayagang maglaro ngunit nagpapasalamat pa rin ito sa pag-imbita sa pamilya niya.

Pinuri rin ni Kris ang galing ni Dingdong sa pag­ho-host at dinagdag pa niya na ito raw ang pinaka-guwapong male gameshow host sa bansa ngayon.

3 comments:

  1. miss kris wag kayong mawawalan ng loob lumaban di man kami nagsasalita o naaabot ng survey noynoy pa rin kami sa batanggasanuman ang sabihin nila sa inyong magkakapatid un ang gawin nyong sanggalang para lalong lumaban para sa bayan di man kami nagsasasalita dahil kami ay mahirap lamang ke noynoy kami naasa at sau miss kris ganyan talaga ang punong hitik sa bunga binabato ang inyo pong lingkod mrs.banaag of batangas city

    ReplyDelete
  2. talaga naman gwapo tlaga .. hay naku

    ReplyDelete
  3. gusto ko makita ulit si kris sa personal nakita ko na sya sa cebu ang ganda talaga grabe.. shauwee from taguig city ... hi miss kris ganda mo talaga

    ReplyDelete