Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Saturday, February 20, 2010

Kris at James, walang b-day gift sa isa't isa

Binasa sa amin ni Kris Aquino ang text messages nina Aljur ABrneica at Kris Bernal na kasama si Dingdong Dantes, ilan lang sa Kapuso stars na libreng tumutulong sa kan-didatura ni Sen. Noynoy Aquino. Sumama sina Aljur at Kris sa Davao caravan ni Dingdong at tiyak na marami pang sasa-mahang caravan.

Nagpapasalamat din si Kris kay Dingdong na on his own ay tumutulong. Nangako ang actor ng 10 caravan sa key cities ng bansa at ang hiningi lang ng actor ay magbigay si Kris ng isang Kapamilya star sa bawat lakad nila.

Dapat ay may big presscon si Sen. Noynoy na bigay ni Mother Lily, pero nakansela ito at natuwa si Kris dahil nangako ang manager niyang si Deo Endrinal na siya na lang ang magpapa-presscon. Birthday gift na lang ni Deo kay Kris na birthday sa Feb. 14 pero dahil sa kampanya ni Sen. Noynoy, parang walang balak mag-celebrate.

Bonggang pa-raffle pa naman para sa invited press people ang kinareer ni Kris na i-solicit, pero nangako itong maibibigay pa rin ito. Hinahanapan na lang ng schedule si Sen. Noynoy na sa Feb. 14 lang libre.

Ipinapanood sa amin ni Kris ang bagong infomercial ni Sen. Noynoy na idea ng bago nilang media group na mas klaro at direct ang mensahe na ipinaparating sa tao at in-address ang problema sa education at corruption na battle cry ng senador. May isu-shoot pang TVC na sa Bataan ang location at mga bata ang kasama ng senador.

Samantala, magkasunod ang birthday nina Kris at James Yap at pareho silang walang gift sa isa't isa. Na-touch si Kris sa mister nang i-offer ang talent fee nila ni Baby James sa endorsement nila sa Sunlife pandagdag sa campaign fund ni Sen. Noynoy. Hindi pumayag si Kris dahil savings daw 'yun ni Baby James.

1 comment:

  1. hindi naman importante ang gifts sa mag asawa ang mahalaga ay nagmamahalan sila at they trust each other and gift is only a material things. LOVE is the most important that money cannot buy.

    ReplyDelete