Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Saturday, February 20, 2010

Kim Chiu denies that she and Kris Aquino pick on Coco Martin


Ikinagulat ni Kim Chiu ang tsismis na nilait umano nila ni Kris Aquino ang Kung Tayo'y Magkakalayo co-star nilang si Coco Martin. Ti-next umano sila ng kanilang kasamahan sa trabaho tungkol sa nasabing balita kaya nila ito nalaman. "Sabi namin kay Coco, 'Inaapi ka ba namin? Aminin mo, aminin mo,'" kuwento ni Kim na natatawa. "Sabi niya (Coco), 'Hindi naman, hindi naman, ano ka ba?' Sobrang close kami ni Coco sa set. Hindi ko alam kung bakit. Paano naman ako mang-aapi ng Coco Martin, hello? Parang teka lang hindi naman yata totoo 'yan."

Hindi naman umano sila sobrang naapektuhan pero inaming hindi nila nagustuhan ang isinulat. Nang tanungin kung anong mensahe ang nais niyang sabihin sa naninira sa kanila, sagot ni Kim, "Chill na lang siya. Huwag na lang siya mangialam ng iba. Tsaka sana huwag na lang maggawa ng kuwento. Hindi naman makatotohanan, hello!"

Depensa pa ni Kim, kung lalaitin man niya si Coco ay dapat noon pa niya ginawa ito dahil dati na silang magkatrabaho sa isang teleserye. "Tayong Dalawa pa lang magkabarkada na kami. Sana doon pa lang nilait ko na siya 'di ba?"

Ani Kim sobrang malapit nilang magkaibigan ni Coco dahil nga sa Tayong Dalawa ay magkatrabaho na sila. At ngayon sa Kung Tayo'y Magkakalayo ay sinikap talaga nilang maging malapit upang sa gayon ay hindi maging pilit ang kanilang acting. "Kailangan naming maging close sa isa't-isa para sa pag-arte namin parang natural na lang siya." Ayon pa nga sa aktres, wala siyang karapatan para manlait. "'Yun wala namang nangyaring panlalait. Bakit ko siya lalaitin, ilan ba ang awards ko sa awards niya. Wala talaga. All praise naman kami kay Coco," pagtatapos niya.

No comments:

Post a Comment