Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Tuesday, July 21, 2009

Willie Revillame offers Mommy Dionisia a regular stint in Wowowee


Wowowee ngayong Lunes, July 20, lalo na sa biglaang pagbisita ng kontrobersyal na ina ni Manny Pacquiao na si Dionisia. Matagal nang pangarap ni Mommy Dionisia na makita ng personal ang paboritong host ng bayan na si Willie Revillame kaya ganun na lang ang tuwa niya ng makaharap ang idolo pati na rin ang kanyang impersonator na si Pokwang. “Sa lahat ng taga-GenSan (General Santos City), nandito na ako sa Wowowee! ‘Yan ang hinihintay ninyo…na makapunta ako sa programa ni Willie. Nandito na ako, nayakap ko na siya. At saka si Pokwang nakita ko na,” masayang pagbati ng ginang sa kanyang mga kababayan.
Bagets na bagets si Mommy Dionisia sa kanyang color-coordinated outfit with matching white Christian Dior sunglasses at wedge sandals. Napansin agad ito ni Willie kaya game namang tinanggal ng certified celebrity mom ang kanyang shades para ipakita ang tunay niyang itsura sa studio audience. “Buti nakapunta ho kayo. Bakit hindi ho kayo naka-miniskirt? ‘Di ba yun ang favorite attire ni’yo? Mommy, batang-bata pa pala kayo,” tanong ni Willie. Sagot naman ni Mommy Dionisia, “Ito ang natural ko na mukha!”
Nakakatuwa ring itinanggi ni Mommy Dionisia nang hiritan siya ni Willie na tila mas paborito niya ang isang ‘di-pinangalanang host sa kabilang network. “Uy, hindi! Kasi hindi mo ako inimbita dito, matagal na akong naghintay. Sabi ko ‘pag nakikita kita (sa TV), ‘Sana makapunta ako diyan sa Wowowee. Hindi naman ako iniimbita ni Willie.’” Kaya hindi na nag-aksaya ng panahon ang Wowowee host na imbitahang maging regular guest tuwing Sabado ang butihing ina ni Manny the Pacman. Payag naman ito basta special number lang muna. Kung saka-sakali kasi ay baka magkaroon din ito ng role sa gagawing pelikula nina Joseph Estrada at Ai-ai delas Alas. “Hindi ko pa alam, magmi-meeting pa kami kung sasasama ba ako,” pagbabahagi pa nito.
Balak sana ni Willie na magkaroon ng showdown si Pokwang at Mommy Dionisia sa darating na Sabado, pero dahil aalis para sa isang concert tour ang comedienne, nagpakitang gilas na lang ang dalawa sa pagbo-ballroom dancing kasama si Chokoleit. ”Nanay Dionisia maraming salamat sa inyo. Bonggang-bongga kayo, nag-iisa ka talaga Nanay,” nasabi na lang ni Pokwang sa huli.
Panoorin mamaya ang exclusibong interview kay Manny at kay Mommy Dionisia tungkol sa isang movie project at pang-iispoof ni Pokwang sa kanya sa SNN pagkatapos ng The Wedding.

No comments:

Post a Comment