Nagpatawag na lang ng pari si Kris Aquino sa kanilang bahay last Sunday na magmi-misa. Nawalan daw kasi ng chance na magsimba si Kris dahil sa kanyang sked noong Linggo sa The Buzz and Pinoy Got Talent. So para maka-attend ng misa, nagpatawag ito ng kaibigang pari kuwento ng kaibigan niyang si Biboy Arboleda ng ABS-CBN.
Every Sunday daw kasi ay naga-attend sila ng mass sa St. Paul pero dahil sa bagong schedule ng TV host, 'di na ito makalibre.
Anyway, si Biboy ang supervising producer ng 'indie' film na Noy starring Coco Martin na ang aktor mismo ang producer. Yup, you read it right. Gumastos si Coco sa nasabing pelikula na ipalalabas na sa June 2. Journalist ang role niya rito kung saan sinundan niya si Sen. Noynoy Aquino simula nang magkaroon ng dinner sa bahay ni dating presidente Cory Aquino na dinaluhan ng maraming artista noon hanggang sa matapos ang huling gabi ng kampanya.
Nagsimulang mag-shooting si Coco na walang script - basta sinundan-sundan lang niya ang nanalo nang si Sen. Noynoy dala ang kanyang camera.
Isinisingit daw ng aktor sa taping niya ang shooting nito na ayaw nang sabihin ni Biboy kung magkano ang nagastos ng kanyang alagang aktor sa Noy na 40% lang ang magiging participation ng kampanya ni Sen. Noy.
May consent ng pamilya Aquino bago gawin ang pelikula.
At para makapag-shooting si Direk Coco sa kampanya noon ni Noynoy, nagbabalot siya ng t-shirt sa ulo para 'di makilala ng maraming tao. Pero after naman daw ng shooting ay nagtatanggal na ito ng cover sa mukha at saka ipakikilala.
Ayon sa creative director ng ABS-CBN na si Rondel Lindayag nang una niyang mapanood ang raw material, nagandahan siya pero kailangan nilang gawan ng script para magkaroon ng direction ang kuwento.
Isa raw ang pelikulang ito sa wini-wish gawin ni Coco, dagdag naman ni Biboy sa tsikahan kahapon - ang makapag-direk ng isang pelikulang may kabuluhan.
"Ang Noy ay tungkol sa mga Pilipino. Kung paano ba sila nabubuhay sa panahon ngayon and kung paano sila nakaka-survive sa araw-araw na buhay. Character ko dito si Noy. Kapangalan ko si Sen. Noynoy. Yung role ko rito as a journalist. May pamilya ako, magulang ko rito si Cherry Pie Picache, si Joem Bascon tapos may kapatid pa akong bata at girlfriend ko Erich Gonzales. Everyday trabaho para maka-survive, gagawin ang lahat.
"Nagkataon lang na 'yung tema ng pelikula, tumakbo sa oras ng eleksiyon mismo, sa campaign period. At 'yung subject matter na kailangan kong i-cover is si Sen. Noynoy," sabi ni Coco tungkol sa kanyang directorial debut na siya rin ang bida. "
Pero sinabi niyang sa rami ng indie film na nagawa niya, ito na ang pinaka-mahirap.
"Ito ata ang isa sa pinakamahirap kong ginawang pelikula. Tumakbo siya ng almost six months e. Kadalasan pinakamahaba na ang 11 days sa indie film. Pero eto kasi kumbaga, tinaon namin mismo 'yung mga real event sa election season mismo. Yung narrative at real event pinaghalo namin. Kumbaga sinasabayan namin 'yung mga totoong pangyayari during the campaign, pinapasok namin doon ang kuwento namin. Mahirap. Sabi ko nga dati nung nagso-shoot ako ng indie, kahit tumakbo ako sa daan walang pumapansin sa akin, kahit ano pang gawin ko diyan. Pero ngayon kasi, paglabas ko pa lang ng kotse, dahil naa-appreciate na ako ng tao, 'di ka na makakilos. Sabi ko nga habang ginagawa ko 'yun, kung hahayaan ko 'yun hindi ko maka-capture yung gusto kong mangyari, 'yung gusto kong palabasin. Gagawan at gagawan ko nang paraan para ma-achieve ko pagiging raw nung material or mga eksena. Gusto ko ma-capture or makita ng tao kung ano ba totoong nangyari, hindi dahil sinet-up or plinano. Gusto kong ma-capture yung di nila nakikita pa sa TV, during the campaign, yung mga secret na nangyari dito makikita nila sa pelikula," sabi niya sa kanyang karanasan nang gawin niya ang pelikula.
Kasama sa mga pinuntahan niyang sortie ni Noynoy ang Bulacan, Malabon, Metro Manila. Nagpunta rin daw ang aktor ng Samar, Cebu, Davao at aabot daw sa halos 20 probinsiya ang nasamahan niyang sortie ng kapatid ni Kris.
Makikita rin daw sa pelikulang ito ang ibang side ng uupong bagong pangulo ng bansa. Like makikitang sumasayaw at ang bonding niya sa kanyang mga pamangkin. * * *
Aminado si Diva Montelaba na merong pagkakataon na naiinip na siya dahil after nilang magwagi sa Starstruck 5 ay wala pa silang regular na programa.
Panay workshop lang ang ginagawa nila at sa iisang programa lang siya regular - Party Pilipinas every Sunday though tatlong araw ang kinakain sa rehearsal para sa production number nila kasama ang ibang taga-Starstruck sa nasabing Sunday show ng GMA 7.
"Minsan naman po may mga guestings," susog niya.
Eh kailangan daw sana niyang kumita dahil nagre-renta silang mag-ina ng bahay dito sa Maynila, P11,000 plus kuryente at tubig pa at iba pang gastusin. "Nakaka-survive naman po. Buti na lang nga lately at maraming guestings," dagdag ni Diva na pumuti at kuminis na raw ang balat. "Minsan pa nga po, nakakapagpadala pa ako sa lola ko sa Cebu," dagdag niya. May sakit daw ang lola sa breast pero hindi niya ma-confirm kung may cancer ito.
Samantala, masama ang loob niya sa kanyang tunay na ama na isang beses pa lang niyang nakikita. "Nung first time pa po kaming magkita, hindi ko pa siya actually nakita dahil tumakbo ako nang makita ko na siya," pag-alala ni Diva.
Pero paminsan-minsan naman daw ay nagpaparamdam ito sa pamamagitan ng text.
Paano kung bigyan siya ng datung para pambawi sa mga pagkukulang nito sa kanya? "Hindi po mababayaran ng pera ang mga pagkukulang niya sa akin," mabilis na sagot nito na type ding mag-join sa Binibining Pilipinas.
At kahit matagal-tagal na siya sa showbiz, natutulala pa rin siya sa tuwing makikita niya ang mga iniidolo niya noong artista - during the time na nasa Cebu raw kasi siya adik siya sa artista. There was a time nga raw na hinabol-habol niya pa ang van na sinasakyan ni Iwa Motto.
Is that true miss kris? But do you have any idea what submit wordpress template is?
ReplyDelete@liza As long as you are attached with your prayer life, God is faithful!
ReplyDelete