Ibinuhos ni Kris Aquino ang lahat ng kanyang saloobin sa The Buzz kahapon, May 16, kaugnay ng kanyang mga pinagdaanang hirap sa pangangampanya para sa kanyang kapatid at presidential candidate na si Noynoy Aquino, gayundin ang pagharap niya sa iba't ibang intriga sa pulitika.
Sinimulan ni Kris ang kanyang pahayag kasama ang co-host niyang si Boy Abunda sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa sambayanang Pilipino sa pagsuporta kay Noynoy. Hindi pa man naipoproklama ang kanyang kapatid bilang bagong Pangulo ng Pilipinas, kasalukuyan naman itong nangunguna at mahigit limang milyong boto ang kalamangan sa isinasagawang bilangan ng Commission on Elections (COMELEC).
"Mahirap mag-presume, di ba Boy? Pero siyempre po na ngayon na more than 90 percent na po ng mga votes ang na-tally naman ng Comelec, it is safe to say thank you to the entire Philippines. I'm not claiming na naging successful po ako dahil alam naman po natin ang Region 1 and Region 2, hindi naman po namin teritoryo talaga. Pero pong ipagmalaki na certain areas that we were not so confident about really went in our direction especially Cebu," pahayag ni Kris.
Special mention kay Kris ang mga probinsiyang nagbigay ng malaking boto para kay Noy.
"Region 8, I love Region 8! You're my new friend. Ang dami ko pong I love... Pero siyempre naman, ang aking mga TarlaceƱo po, 73.19 percent of them chose Noy. Siyempre ang Albay, I'm so happy I went there, 61.77 percent. And of course, Ate Vi [Batangas Governor Vilma Santos-Recto], I love you, I thank you. All of us love you so much kasi sa Batangas, 60.16 percent."
Pero sadya raw talagang may mga lugar na hindi naging pabor ang mga boto para kay Noynoy.
Ayon kay Kris, "Inamin ko kay Noy kanina, sabi ko, 'Noy, meron akong areas na nag-fail ako.' Sabi niya, 'Ano ka ba? Panalo na.' 'Hindi, I failed you in Davao, sorry.' Tapos sinabi niya sa akin, 'Kalimutan mo na yun.' Okay. Alam mo, Boy [Abunda, Kris's co-host], hindi natin maiaalis na we do live in a democracy. May mga areas talaga na meron talaga silang mahal na kandidato at hindi natin puwedeng alisin sa kanila.
"Pero ang gusto po naming ipasalamat... There were days talaga na tatlong oras lang ang tulog ko. There were days na absolutely walang tulog. There were days lalo na sa Pangasinan--thank you Pangasinan 42.98 percent--inulan tayo. Yun totoo talaga, yung kay Melissa Ricks kasi, natunaw din yung contact lenses ko dahil sa ulan. So, it's really... All the pagod, it's really worth it.
"It is unbelievable kasi, di ba, election day parang ayaw mong magbukas ng TV dahil natatakot ka talaga sa exit polls? Natatakot ka dun sa unang bagsak ng mga reports? So, hindi ako gumising until 11 pm. Talagang sleep ako. Paggising ko, sabi ko, 'Eto na.'"
FACING THE INTRIGUES. Ipinagpasalamat naman ni Kris ang ginawang pagtatanggol sa kanya ni Noynoy laban sa sari-saring intriga na kinaharap nila. Bukod kasi sa mga black propaganda kay Noy ay naging puntriya rin ng mga intriga si Kris.
"Nag-lunch po kami as a family. It is the first time we were all together, Noy, my sisters, me [after the elections]. There were certain things that we had discussed. Siyempre si Noy, I want to say thank you to Noy. Instead of just enjoying his victory, kailangan i-defend pa niya ang kapatid niya. Thank you Noy, I love you. You deserve all my love because you love me back. Hindi, kasi mabait talaga ang kapatid ko," saad ni Kris.
Binigyang-linaw rin ni Kris ang tungkol sa isyu ng pagpapaalis sa kanya sa bansa na isinusulong ng isang grupo sa Facebook na tinatawag na Kris Aquino Despedida. May nabitiwan daw kasi siyang salita noon na kapag nanalo si Noynoy ay aalis siya ng Pilipinas at mananatili na lang sa isang lugar kung saan may TFC (The Filipino Channel).
"So, kaklaruhin ko lang po," panimula ni Kris. "Ang sinabi ko naman po dati, kung makakasira ako kay Noy, by all means lalayas ako. Pero sana po, hindi n'yo i-take ito as being mayabang, it's just a fact. Nakatulong po ako sa kapatid ko. And balak ko pong tulungan si Noy in every possible way that I can for as long as he wants me to help him."
Ayon kay Kris, madami raw silang hinarap na hirap at mga isyu sa panahon ng kampanya.
"It was not an easy campaign. It was a dirty campaign. Marami po kaming tiniis na batikos. But meron pong napatunayan sa ating lahat, tayong mga Pilipino ayaw natin ng negative campaigning. Hindi tayo naniniwala sa paninira sa ating kapwa. Kaya nga, it's time for a better Philippines," saad niya.
Nang may fans sa loob ng studio na sumigaw ng "We love you, Kris!" sinagot naman ito ng TV host-actress ng, "I love you, too! At huwag na kayong makipag-away sa Twitter at Facebook. Deadma na dun."
SACRIFICING HER SHOWBIZ CAREER. Bagamat tapos na ang eleksyon, hindi pa rin daw tapos ang pagsasakripisyo ni Kris lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang showbiz career.
"I am not at liberty po to disclose to you certain career changes for me. Kasi sa Tuesday [May 18] pa po namin kakausapin ang mga boss ko po dito sa ABS-CBN. Meron po akong mga programa na after June 30 [Noynoy's proclamation day], kailangan ko pong i-give up. It's a sacrifice. It's something I'm willingly going to do for my family.
"Ang buong [family]...ako, si Ate [Ballsy], si Pinky, si Viel, ang buong buhay namin, ibinigay namin sa pangangampanya at sa eleksyon ni Noy dahil nangako kami sa Mommy [late President Cory Aquino] namin na hindi kami mag-iiwanan, aalagaan po namin. Kinausap ko po ang mga kapatid ko. Humingi po ako ng payo sa kanila kung ano yung nararapat para po sa akin. So, sa Tuesday po ang meeting namin sa mga boss namin dito. Sasamahan ako ng mga kapatid kong babae para po ma-explain namin yung mga desisyon ko.
"Para po ito sa peace of mind ng pamilya ko at para kay Noy. At para rin po, ang dami ko kasing probinsiyang napuntahan na napangakuan ng napakarami. E, I have to be true to my words. Lahat po ng mga ipinangakong tulong na ipapaabot kay Noy, kailangan ko pong magampanan yung tulong na yun because they trusted us, Boy. So, that trust, yung tiwalang yun, yung botong yun, isosoli po namin. Paano? Sa serbisyo para sa bawat Pilipino dahil walang korapsyon."
You have to be strong Ms. Kris for you and the entire first family.
ReplyDelete