It was the other Saturday, May 15, on Startalk when Dra. Vicki Belo confirmed that she and Kris Aquino were friends again. Muling kinuha ni Dra. Vicki si Kris as endorser at nag-sign si Kris ng three-year contract sa Belo clinic.
Kung matatandaan, nagkaroon ng falling-out ang dalawa nang matsismis ang asawa ni Kris na si James Yap na may relasyon sa staff member ni Dra. Vicki na si Hope Centeno.
Ayon kay Kris sa Startalk kahapon, May 22, "Actually, na-interview ko siya before noong paumpisa pa lang ang programa ko. And it was already okay then. Tapos nagkaroon sila ng konting isyu ni Boy [Abunda, her co-host and manager], so medyo hindi na naman naging okay."
Nagbiro kasi si Vicki last February na, "If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan [Surgicentre]. But if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo [Medical Group]," bagay na dinamdam nang husto ng King of Talk. Pero nag-apologize naman ang beauty doctor kinabukasan.
Patuloy ni Kris sa kanyang kuwento sa Startalk, "Hindi pa kami nagkikita or nag-uusap, pero mahabang proseso 'yan ng pakikipag-negotiate ng kontrata na every step of the way, si Boy ang gumawa ng negotiation with her representative. So, wala siya rito, pero, magpapa-treatment ako."
Manumbalik pa kaya ang dati nilang samahan?
"She's abroad. But when she gets back, by all means, of course, puwede kaming magsama. I'd love to and I'm now endorsing her clinic and her products again. And I kept Boy. Kung sinabi naman ni Boy na, 'Krissy huwag,' e, di hindi ko gagawin, di ba? Kasi ayoko... si Boy naman, bukas na bukas ang loob niya na sabi niya, 'Oo, move on na tayong lahat.'"
"DESPEDIDAS" FOR KRIS. Kris was asked kung ano ang reaction niya sa mga naglalabasang online petitions particular na sa Facebook kunsaan may panawagan na umalis na nga raw siya ng bansa.
Kung matatandaan, nagbitiw ng salita si Kris noon na aalis na lamang siya ng bansa kung makakasira siya sa kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino kapag ito'y nahalal bilang pangulo ng bansa.
Merong "despedida" thread for Kris sa Facebook although ngayon, meron na ring "No Despedida for Kris, we love her" na thread sa naturang site.
Ayon kay Kris, "Yun nga ang sinasabi ko kay Noy, 'You know, Noy, if you become president at ang dami pang isyu dahil sa akin, I'll leave na lang.' Tapos, sinabi ni Noy sa akin, 'Kristina, tigilan mo na ang kadramahan, hindi ito teleserye.'
"So you know, if my brother took it lightheartedly, na kung tutuusin po, ang responsibilidad ko para sa kapatid ko at hindi para dun sa mga naninira ngayon kasi nga talunan sila. Masasabi ko lang kasi, sinabi na ni Noy, hindi ako masamang tao at ina-acknowledge niya na malaki ang nagawa ko para matulungan siya kasi nga, kapatid ko siya.
"Ngayong alam ko na nakabantay ang lahat para mabigyan ko ng sakit ng ulo si Noynoy, do you honestly think consciously or unconsciously, may gagawin ako para makasira kay Noy?"
Dugtong pa niya, "Siyempre, utang namin sa siguro—when the final tally is over—sa more than 15 million Filipinos na nagtiwala kay Noynoy at magluluklok sa kanya sa posisyon. So, hindi na lang din naman para kay Noy kung hindi para dun sa 15 million Filipinos na nagtiwala. Siyempre naman, noong binoto nila si Noy, alam nila na kapatid ako ni Noy. Alam nila na kapatid si Ballsy, si Pinky at si Viel, di ba? Alam nila na walang First Lady si Noy, so, alam nila na part and parcel kami kay Noynoy. So, gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko na tutulungan ko siya without being a burden on him and I'll be in my very best behavior."
Kung ano ang ikinaiba ng panahong ang ina niyang si Corazon Aquino ang pangulo ng bansa at ngayon namang ang kapatid niya ang magiging presidente, ang sabi ni Kris, "During the time of Mom, may excuse ako. I was 14 during the election and I was 15 when she took her oath. And it ended I was 21. So bata ako. Ngayon naman, 39 years old ako at matatapos ang termino niya na 45 years old ako.
"Please naman, magbi-behave ako," nakangiti niyang sabi.
No comments:
Post a Comment