Natutuwa ang mga kaibigang press people sa young actor na ito na siya na ang humahawak ng kanyang pera at credit cards dahil matagal na panahon din na ang guardian niya ang nakakaalam kung magkano ang pera ng young actor sa bank at pati credit card, nakikita lang 'pag gagamitin na.
For the longest time, binibigyan lang ng weekly allowance ng kanyang guardian ang young actor at pinagkakasya niya ang P500 pesos in one week na kulang na kulang. Bilib ang press sa young actor kung paano niya napagkakasya ang P500 na para bang student siya at hindi artista.
Dahil sa maliit na allowance, hindi maka-gimik ang young actor, hindi makapanglibre ng mga kaibigan at binibirong kuripot. 'Yun naman pala, hindi niya hawak ang sariling pera.
Mabait ang young actor dahil hindi nagreklamo kahit tinitipid ng sarili niyang pera. Kamakailan lang ito nagreklamo nang madiskubreng may ibang taong gumagamit sa kanyang credit card, kaya hiningi sa kanyang guardian na in fairness, ibinigay naman.
Dahil hawak na ang pera, libre nang gumastos ang young actor. Nabibili ang mga gusto at napupuntahan ang mga lugar na siya na mismo ang gumagastos at hindi umaasa sa mga kaibigan. Ang paalala lang ng mga kaibigan, maging wise siya sa paggastos at baka dumating ang araw na mapunta sa wala ang kanyang pinaghirapan. * * *
Sa kanyang Twitter account, nag-react si Kris Aquino sa TVC ni Manny Pacquiao endorsing Sen. Manny Villar kung saan, may line itong "laban nang laban wala namang ginagawa" na ang feeling ni Kris, patama sa kapatid niyang si Sen. Noynoy Aquino.
Sabi ni Kris sa Twitter: "I saw endorsement TVC of Pinoy sports icon saying words to the effect na laban kung laban wala pang napatunayan. In politics, Noy has won 3 straight terms sa Congress & won almost 15 million votes as senatoriable in 2007. How sad na he didn't think na in politics-knock out siya (ouch!). In politics, si Noy ay may napatunayan because Noy has never lost an election! Ika nga, undefeated ang record n'ya. "
Hihintayin namin ang sagot ni Manny sa reaction ni Kris, lalo na sa sinabi nitong na-knock out siya sa politics. Ang alam namin, friends sina Kris at Jinkee Pacquiao, hopefully, hindi maapektuhan ang friendship ng dalawa sa isyung ito. * * *
Sa Subic sa Tuesday, ang pictorial ng cast ng Langit Sa Piling Mo, ang afternoon soap na tinatampukan nina Heart Evangelista, Mark Herras, Daniel Matsunaga, JC Tiuseco, at Katrina Halili. Ito ang papalit sa Gumapang Ka Sa Lusak nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Excited si Heart sa bago niyang project at balik-drama raw siya rito. Sa kanya namin unang nalamang tatlo ang kanyang leading men dahil agad na-tweet, wala pa mang storycon.
May tanong lang kami, si Annabelle Rama pa kaya ang manager ni Heart? Kaya kami nagtatanong dahil hindi namin naririnig na nagkukuwento si Annabelle ng bagong project ni Heart at kahit si Jun Lalin, hindi nag-a-update ng balita tungkol kay Heart. May nangyari bang hindi alam ng press o nakalampas sa press? Nabasa namin sa Twitter ni Heart na magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network and no mention of her contract with Royale Era Productions of Annabelle Rama. * * *
Isa lang pala ang Here Comes the Bride sa mga pelikulang pagsasamahan nina Eugene Domingo at John Lapus dahil may dalawang pelikula pa silang ginagawa.
Sinimulan na nila ang shooting ng Madir ng Regal Films at may Taray pa sila sa Viva Films. Kaya malaking bagay na mauuna ang showing ng Here Comes the Bride na co-production ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso at Star Cinema dahil bago pa sa paningin ng moviegoers.
Riot na nga si Eugene kahit walang kabatuhan ng punchlines, mas dobleng riot ang pagsasama nila ni John.
Source: The Philippine Star
kaya lang hndi natatalo c noynoy kc dala nya ang legacy ng ama't ina nya pero if it were otherwise cno sha?
ReplyDeleteHindi pa nga natatalo si Noynoy sa 3 beses na pagtakbo niya bilang kinatawan ng Tarlac, at 1 beses sa senado. Ngunit ang katotohanan na sa loob ng mahabang panahong ito ng kanyang panunungkulan ay wala siyang batas na ipinasa sa konggreso! Ang napatunayan ni Noynoy ay ang paggastos ng pera ng taong bayan na walang pinakinabangan ang sambayanan!
ReplyDeleteHuwag na nga ninyong lokohin mga sarili ninyo. Ang pinakaimporatnteng kailangan natin ngayon para makaahon tayo sa hirap ay yung presidenteng hindi corrupt. Kayo pala yung bumoto sa mga marami daw batas na ipinasa at sa mga taong galing sa hirap, eh, asan na tayo ngayon? huwag ninyo kaming idamay sa kalokohan ninyo.
ReplyDeletetama ka! GO GO GO NOYNOY!!
ReplyDeleteRemember the greatness of Tita Cory. We must not forget!
ReplyDeletehttp://shop-an-idea.blogspot.com/2010/05/president-cory-aquinos-historic-speech.html
pwede bang magtanong kung anong batas ang naipsa ng idol nila?yung batas sa c-5 ba?di ako pulitiko pero kung patuloy tayong magbubulag bulagan sa mga magnanakaw ng kaban ng bayan wala tayong patutunguhan sampu ng mga anak at apo natin.,alam mo ba kaya kulang budget natin sa edukasyon?sinasadya yun para tayo maging mangmang pati sa pagpili ng ating magiging magaling na lider,ginagamit nila ang ating kamangmangan at kahirapan para sa kanilang sariling interest.
ReplyDeleteBakit pintaulan pa ni Kris ang linya ni Pacquiao sa nasabing NP Ads. Di ba tatlo silang endorsers featured sa TVC, kaya nga kang medyo personal ang lines na toka ke Pacquio at hindi kagandahang pakinggan. Pero di ba kitang-kita namang binabasa lang nya ang mga lines, palagay ko hindi galing sa loob niyang manira ng personalan.
ReplyDeleteThe message no matter how ugly is all part of the script.....we should'nt shoot the messenger.
Ang malaking pinagtataka ko ay kung bakit tikom ang bibig ni Kris, pati na ng mga kapatid niya tungkol sa kumakalat na psychiatric report ni Noynoy. Ito ang nararapat pagtuunan ng todong aksyun, at ihabla nila ang sinumang may kagagawan ng paninirang puri ke Noynoy.
wag kyo magtiwala ky villar kung alam nyo ang mga lupa na kinuha nya sa mahihirap at ang maraming pinoy na nialisan nya ng bahay at sakahan
ReplyDeletebkt ba ang dami2 nyong cnasav hntayin nyo n nga lng qng anu magagawa n noynoy s bansa ntn ska kau mag husga
ReplyDeleteGO gIBO haha
ReplyDeletewell, hndi ako pro-noynoy or pro villar or pro-gibo for that matter... pero what makes you think that noynoy isn't corrupt? isn't the issue of hacienda luisita enough? or do you want that to happen to the entire country as well?
ReplyDeleteibig sabihin pala, nagpapaloko lang si pacquiao dahil wala siyang alam sa sinasabi niya sa NP Ads.
ReplyDeletesa palagay ko naman, may karapatan sina Kris at ibang LP members na magreact dito. what if it was manny villar or you who was described in this statement? hindi ba kayo magre-react diyan?? 'wag niyo naman sirain ang tao.
ReplyDeleteWell, there is only one thing i can say...piliin natin ang may moralidad at integridad...hindi yong nanggagamit ng position nya para mainangat ang value ng kanyang mga properties....
ReplyDeleteIch weib nicht das ende.
ReplyDeleteanonymous ang kpal ng mukha mo pacquio to compare noy noy ano bang alam mo..... .. ...........nothing?????????? kaya ngayon palang umpisahan mo ng pag-aralan ang mga bagay bagay about politics,dahil marami ka pang dapat na kakanin na bigas bago ka mag-patutsada-ng salita sa iba,(esp.to noy noy)MAHIYA KA!
ReplyDeletegud pm..im a public school teacher,request ko lng po pkisabi sa bagong pangulo be aware and vigilante regarding GSIS
ReplyDeletesana po mapaabot ninyo sa ating bagong pangulo ang tungkol sa pedestrian lane, simpleng bagay lang po yun pero walla pong sumusunod, minsan nasa gitna ka na ng pedestrian lane uunahan ka pa ng mga sasakyan sa pagtawid. sa ibang bansa pag may taong tumapat sa pl automatic hihinto both lane dito po pag nakakita ng tao sa pl haharurot ang mga sasakyan na parang mauubusan ng daan. salamat po at more power
ReplyDeletewhat ever! just prove n hindi pa huli ang lahat at kung sino man sa kanila ang ang umupo mapa noynoy o gibo... ipakita nyo kayang maayos ang ating bayan.... na dapat ito ay mag-mula sa pagkakaroon ng tamang sistema... at mula sa tamang sistema... aayos ang lahat...
ReplyDeleteWhatever!
ReplyDelete