Alam mo Salve A. , ngayong si Sen. Noynoy Aquino na ang susunod na uupong pangulo ng Pilipinas, mukhang wala pa itong balak na lumagay sa tahimik sa loob ng anim na taon ng kanyang termino kahit pa meron na siyang kasintahan sa katauhan ni Shalani Soledad na trenta anyos na ngayon.
Sa eksklusibong panayam ni Kris Aquino kay Shalani sa The Buzz, ipinasilip nito ang kanyang simpleng pagkatao sa publiko bagay na ikinatuwa ng marami. Nakita rin ng mga manonood kung paano inalagaan ni Kris ang kanyang panayam sa kanyang future sister-in law.
Sa Catanduanes ipinanganak si Shalani nung April 27, 1980 pero dito na siya sa Maynila lumaki. Maliit pa siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya lumaki siya sa kalinga ng kanyang maternal grandparents dahil nagta-trabaho sa Middle East ang kanyang ina.
Sa pagiging UNTV reporter unang nagkakilala sina Sen. Noynoy Aquino at Shalani nung 2005 at nasundan ito nung 2008 sa Alfredo's Steak House in Quezon City kung saan konsehal na noon si Shalani kasama ang vice mayor ng Valenzuela.
Pagkatapos ng kanilang meeting sa Alfredo's, nag-text umano si Sen. Noynoy sa vice-mayor at inimbitahan silang lumipat sa katapat na Starbucks coffee shop at doon na hiningi ng kuya ni Kris ang number ng dalaga and the rest ay history nang maituturing.
Sa darating na September 5 ay second anniversary na bale nina Sen. Noynoy at Shalani bilang magkasintahan.
Inamin din ni Shalani na sabay nilang pinanood ni Sen. Noynoy ang movie noon nina Richard Gutierrez at KC Concepcion.
Hindi pa senador si Sen. Noynoy nang maging legislative staff si Shalani ni Sen. Ping Lacson. Sa panayam pa ni Kris kay Shalani, nalaman ng publiko ang simpleng pinagmulan at buhay ng dalaga, ang pagiging sinsero nito, ang pagmamahal at suporta na ibinibigay niya kay Sen. Noynoy Aquino.
Hindi man nakatuluyan ni Sen. Noynoy sina Korina Sanchez (na misis na ngayon ni Sen. Mar Roxas) at Bernadette Sembrano (na misis na ngayon ni vice-mayor Orange Aquinaldo ng Kawit, Cavite), may malakas kaming paniniwala na si Shalani na ang makakatuluyan ng kaisa-isang kapatid na lalake ni Kris. * * *
Ayaw tuldukan ni KC Montero ang posibilidad na muli silang magkabalikan ng kanyang ex-wife na si Geneva Cruz. Legally, mag-asawa pa rin sila at wala pa sa immediate plans nila ang nag-file ng divorce.
Hiwalay man sila, aminado si KC na mahal pa rin niya ang dating misis although sa ibang level na. "I still love her pero in a different capacity," pahayag ni KC sa panayam sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central.
Sinabi rin ni KC na kahit hiwalay na sila ni Geneva, mananatili umano itong bahagi ng buhay niya at ng kanyang pamilya. Hindi rin nito ikinakaila na nami-miss niya ang kaisa-isang anak ni Geneva kay Paco Arespacochaga na si Heaven na parang tunay na anak ang kanyang turing. * * *
May suspetsa ako, Salve A. na sa taong ito ay lalagay na sa tahimik ang singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto who's turning 32 ngayong Mayo 28. Hindi man tahasang sabihin ni P-Chi (palayaw ni Rufa Mae), gusto na niyang magkaroon din ng sariling pamilya.
Kilala si P-Chi sa pagiging workaholic dahil siya ang tumatayong bread-winner sa kanyang pamilya. Pero ngayong napagtapos na niya ang kanyang mga nakababatang kapatid, it's about time naman siguro na pagtuunan ni P-Chi ang kanyang sarili.
Ang kasintahan ngayon ni P-Chi ay hindi foreigner. Isa itong Pinoy na may dugong Kastila at mahal na mahal nito ang dalaga. * * *
Nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa dating singer-actress-turned businesswoman at pinsang-buo ng superstar na si Nora Aunor na si Maribel 'Lala' Aunor na may kinalaman sa grand launching ng kanyang 155 Executives Suites na pag-aari at dinebelop ng kanyang La Aunor Realty Holdings Corporation. Ang 153 Executive Suites ay matatagpuan sa Better Living Subdivision sa Parañaque City at magkakaroon ng paninaya sa darating na Mayo 28 (Biyernes) sa ganap na ika-4:30 ng hapon.
Ang entertainment writer at showbiz talk-show host na si Cristy Fermin ang maghu-host at magsisilbi namang mga espesyal na panauhin sina Rosanna Roces, Ronnie Liang at ibang PBB personalities. * * *
Walang balak ang King of Talk na si Boy Abunda na humingi ng kahit na anumang cabinet o government post sa president-apparent na si Sen. Noynoy Aquino.
At kung may gusto man siyang hilingin, ito ay hindi para sa kanyang sarili kundi ang paghingi ng tulong na maipagawa ang national highway ng buong Eastern Samar na siyang nagpapahirap sa biyahe ng mga tagaroon.
Kapag naayos ang kalsada ng buong Eastern Samar, hindi lamang malaking ginhawa ito sa mga taga-roon kundi laluna sa larangan ng kalakal.
Gusto rin naming manawagan ni Boy sa bagong halal na kongresista sa aming lugar na si Gov. Ben Evardone, sana mapagtuunan niya at ng iba pa naming mga newly-elected officials ang pagpapaganda ng Eastern Samar lalupa't isa nang siyudad ang Borongan. * * *
Alam mo ba, Salve A. , na maganda ang pamumuno ng daddy nina John at Camille Prats na si Dondie Prats bilang pangulo ng association ng homeowners ng Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal? Magmula nang maupo si Dondie bilang pangulo, tuluy-tuloy ang mga pagbabago at pagpapaganda ng nasabing village.
Dahil sa magandang pamumuno ni Dondie sa VEHAI, malamang na ito ang muling maluklok sa susunod na halalan ng homeowners association at may bali-balita rin na baka pasukin din nito ang larangan ng pulitika kapag tapos na ang termino ni Mon Ilagan bilang mayor ng Cainta. True kaya ito?
Si Dondie ay isa ring successful businessman. * * *
grabeh naman to.. di naman siguro... gusto lang siguro ni noy na magconcentrate sa pagiging pangulo.. :D
ReplyDeletetags: Noynoy
@lizaJust wait. :) everything will be fine. :) And who knows?
ReplyDelete