Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Wednesday, May 26, 2010

Noynoy walang balak pakasalan si Shalani

Alam mo Salve A. , ngayong si Sen. Noynoy Aqui­­no na ang susunod na uupong pangulo ng Pilipinas, mukhang wala pa itong balak na lu­ma­gay sa tahimik sa loob ng anim na taon ng kan­­yang termino kahit pa meron na siyang ka­sintahan sa katauhan ni Shalani Soledad na trenta anyos na ngayon.

Sa eksklusibong panayam ni Kris Aquino kay Shalani sa The Buzz, ipinasilip nito ang kan­­yang sim­­pleng pagkatao sa publiko bagay na ikinatuwa ng marami. Nakita rin ng mga ma­no­nood kung paano inalagaan ni Kris ang kan­yang panayam sa kanyang future sister-in law.

Sa Catanduanes ipinanganak si Shalani nung April 27, 1980 pero dito na siya sa Maynila lumaki. Maliit pa siya nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya lumaki siya sa kalinga ng kanyang maternal grandparents dahil nagta-trabaho sa Middle East ang kanyang ina.

Sa pagiging UNTV reporter unang nagka­kilala sina Sen. Noynoy Aquino at Shalani nung 2005 at nasundan ito nung 2008 sa Alfredo's Steak House in Quezon City kung saan kon­se­hal na noon si Shalani kasama ang vice mayor ng Va­lenzuela.

Pagkatapos ng kanilang meeting sa Alfre­do's, nag-text umano si Sen. Noynoy sa vice-mayor at inimbitahan silang lumipat sa kata­pat na Starbucks coffee shop at doon na hiningi ng kuya ni Kris ang number ng dalaga and the rest ay history nang ma­i­tuturing.

Sa darating na September 5 ay second an­niver­­sary na bale nina Sen. Noynoy at Shalani bilang magkasintahan.

Inamin din ni Shalani na sabay nilang pina­nood ni Sen. Noynoy ang movie noon nina Ri­chard Gu­tierrez at KC Concepcion.

Hindi pa senador si Sen. Noynoy nang ma­ging legislative staff si Shalani ni Sen. Ping Lac­son. Sa panayam pa ni Kris kay Shalani, nala­man ng publiko ang simpleng pinagmulan at bu­hay ng da­la­ga, ang pagiging sinsero nito, ang pag­ma­mahal at suporta na ibinibigay niya kay Sen. Noynoy Aquino.

Hindi man nakatuluyan ni Sen. Noynoy sina Korina Sanchez (na misis na ngayon ni Sen. Mar Roxas) at Bernadette Sembrano (na misis na ngayon ni vice-mayor Orange Aquinaldo ng Kawit, Cavite), may malakas kaming paniniwala na si Shalani na ang makakatuluyan ng kaisa-isang kapatid na lalake ni Kris. * * *

Ayaw tuldukan ni KC Montero ang posibilidad na muli silang magkabalikan ng kan­yang ex-wife na si Geneva Cruz. Legally, mag-asawa pa rin sila at wala pa sa immediate plans nila ang nag-file ng divorce.

Hiwalay man sila, aminado si KC na mahal pa rin niya ang dating misis although sa ibang level na. "I still love her pero in a different capacity," pa­­­ha­yag ni KC sa panayam sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central.

Sinabi rin ni KC na kahit hiwalay na sila ni Ge­neva, mananatili umano itong bahagi ng buhay niya at ng kanyang pamilya. Hindi rin nito ikinakaila na na­mi-miss niya ang kaisa-isang anak ni Geneva kay Paco Ares­paco­chaga na si Heaven na parang tunay na anak ang kanyang turing. * * *

May suspetsa ako, Salve A. na sa taong ito ay lalagay na sa tahimik ang singer-comedienne na si Rufa Mae Quinto who's turning 32 ngayong Mayo 28. Hindi man tahasang sabihin ni P-Chi (pa­la­yaw ni Rufa Mae), gusto na niyang mag­ka­roon din ng sariling pamilya.

Kilala si P-Chi sa pagiging workaholic dahil siya ang tumatayong bread-winner sa kanyang pa­mil­ya. Pero ngayong napagtapos na niya ang kan­yang mga nakababatang kapatid, it's about time naman siguro na pagtuunan ni P-Chi ang kanyang sarili.

Ang kasintahan ngayon ni P-Chi ay hindi fo­reigner. Isa itong Pinoy na may dugong Kastila at mahal na mahal nito ang dalaga. * * *

Nakatanggap kami ng imbitasyon mula sa dating singer-actress-turned businesswoman at pinsang-buo ng superstar na si Nora Aunor na si Maribel 'Lala' Aunor na may kinalaman sa grand launching ng kanyang 155 Executives Suites na pag-aari at dinebelop ng kanyang La Aunor Realty Holdings Corporation. Ang 153 Executive Suites ay mata­tagpuan sa Better Living Subdivision sa Parañaque City at magkakaroon ng paninaya sa darating na Mayo 28 (Biyernes) sa ganap na ika-4:30 ng hapon.

Ang entertainment writer at showbiz talk-show host na si Cristy Fermin ang maghu-host at magsisilbi namang mga espesyal na panauhin sina Rosanna Ro­ces, Ronnie Liang at ibang PBB personalities. * * *

Walang balak ang King of Talk na si Boy Abun­da na humingi ng kahit na anumang cabinet o government post sa president-apparent na si Sen. Noynoy Aquino.

At kung may gusto man siyang hilingin, ito ay hindi para sa kanyang sarili kundi ang paghingi ng tulong na maipagawa ang national highway ng buong Eastern Samar na siyang nag­papahirap sa biyahe ng mga tagaroon.

Kapag naayos ang kalsada ng buong Eastern Samar, hindi lamang malaking ginhawa ito sa mga taga-roon kundi laluna sa larangan ng kalakal.

Gus­to rin naming manawagan ni Boy sa bagong halal na kongresista sa aming lugar na si Gov. Ben Evardone, sana mapagtuunan niya at ng iba pa naming mga newly-elected offi­cials ang pagpapaganda ng Eastern Samar lalupa't isa nang siyudad ang Borongan. * * *

Alam mo ba, Salve A. , na maganda ang pamu­muno ng daddy nina John at Camille Prats na si Dondie Prats bilang pangulo ng as­sociation ng homeowners ng Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal? Magmula nang maupo si Dondie bilang pa­ngulo, tuluy-tuloy ang mga pagbabago at pagpapaganda ng nasabing village.

Dahil sa magandang pamumuno ni Dondie sa VEHAI, malamang na ito ang muling maluklok sa susunod na halalan ng homeowners association at may bali-balita rin na baka pasukin din nito ang larangan ng pulitika kapag tapos na ang termino ni Mon Ilagan bilang mayor ng Cainta. True kaya ito?

Si Dondie ay isa ring successful businessman. * * *

Wala nang oras magsimba, Kris sa bahay na lang nagpamisa

Nagpatawag na lang ng pari si Kris Aquino sa kanilang bahay last Sunday na magmi-misa. Nawalan daw kasi ng chance na magsimba si Kris dahil sa kan­yang sked noong Linggo sa The Buzz and Pinoy Got Talent. So para maka-attend ng misa, nagpatawag ito ng kaibigang pari kuwento ng kaibigan niyang si Biboy Arboleda ng ABS-CBN.

Every Sunday daw kasi ay naga-attend sila ng mass sa St. Paul pero dahil sa bagong schedule ng TV host, 'di na ito makalibre.

Anyway, si Biboy ang supervising producer ng 'indie' film na Noy starring Coco Martin na ang aktor mismo ang producer. Yup, you read it right. Gumastos si Coco sa nasabing pelikula na ipalalabas na sa June 2. Journalist ang role niya rito kung saan sinundan niya si Sen. Noynoy Aquino simula nang magkaroon ng dinner sa bahay ni dating presidente Cory Aquino na dinaluhan ng maraming artista noon hanggang sa matapos ang huling gabi ng kampanya.

Nagsimulang mag-shooting si Coco na walang script - basta sinundan-sundan lang niya ang nanalo nang si Sen. Noynoy dala ang kanyang camera.

Isinisingit daw ng aktor sa taping niya ang shooting nito na ayaw nang sabihin ni Biboy kung magkano ang nagastos ng kanyang alagang aktor sa Noy na 40% lang ang magiging participation ng kampanya ni Sen. Noy.

May consent ng pamilya Aquino bago gawin ang pelikula.

At para makapag-shooting si Direk Coco sa kampanya noon ni Noynoy, nagbabalot siya ng t-shirt sa ulo para 'di makilala ng maraming tao. Pero after naman daw ng shooting ay nagtatanggal na ito ng cover sa mukha at saka ipakikilala.

Ayon sa creative director ng ABS-CBN na si Rondel Lindayag nang una niyang mapanood ang raw material, nagandahan siya pero kailangan nilang gawan ng script para magkaroon ng direction ang kuwento.

Isa raw ang pelikulang ito sa wini-wish gawin ni Coco, dagdag naman ni Biboy sa tsikahan kahapon - ang makapag-direk ng isang pelikulang may kabuluhan.

"Ang Noy ay tungkol sa mga Pilipino. Kung paano ba sila nabubuhay sa panahon ngayon and kung paano sila nakaka-survive sa araw-araw na buhay. Character ko dito si Noy. Kapangalan ko si Sen. Noynoy. Yung role ko rito as a journalist. May pamilya ako, magulang ko rito si Cherry Pie Picache, si Joem Bascon tapos may kapatid pa akong bata at girlfriend ko Erich Gonzales. Everyday trabaho para maka-survive, gagawin ang lahat.

"Nagkataon lang na 'yung tema ng pelikula, tumakbo sa oras ng eleksiyon mismo, sa campaign period. At 'yung subject matter na kailangan kong i-cover is si Sen. Noynoy," sabi ni Coco tungkol sa kanyang directorial debut na siya rin ang bida. "

Pero sinabi niyang sa rami ng indie film na nagawa niya, ito na ang pinaka-mahirap.

"Ito ata ang isa sa pinakamahirap kong ginawang pelikula. Tumakbo siya ng almost six months e. Kadalasan pinakamahaba na ang 11 days sa indie film. Pero eto kasi kumbaga, tinaon namin mismo 'yung mga real event sa election season mismo. Yung narrative at real event pinaghalo namin. Kumbaga sinasabayan namin 'yung mga totoong pangyayari during the campaign, pinapasok namin doon ang kuwento namin. Mahirap. Sabi ko nga dati nung nagso-shoot ako ng indie, kahit tumakbo ako sa daan walang pumapansin sa akin, kahit ano pang gawin ko diyan. Pero ngayon kasi, paglabas ko pa lang ng kotse, dahil naa-appreciate na ako ng tao, 'di ka na makakilos. Sabi ko nga habang ginagawa ko 'yun, kung hahayaan ko 'yun hindi ko maka-capture yung gusto kong mangyari, 'yung gusto kong palabasin. Gagawan at gagawan ko nang paraan para ma-achieve ko pagiging raw nung material or mga eksena. Gusto ko ma-capture or makita ng tao kung ano ba totoong nangyari, hindi dahil sinet-up or plinano. Gusto kong ma-capture yung di nila nakikita pa sa TV, during the campaign, yung mga secret na nangyari dito makikita nila sa pelikula," sabi niya sa kanyang karanasan nang gawin niya ang pelikula.

Kasama sa mga pinuntahan niyang sortie ni Noynoy ang Bulacan, Malabon, Metro Manila. Nagpunta rin daw ang aktor ng Samar, Cebu, Davao at aabot daw sa halos 20 probinsiya ang nasamahan niyang sortie ng kapatid ni Kris.

Makikita rin daw sa pelikulang ito ang ibang side ng uupong bagong pangulo ng bansa. Like makiki­tang sumasayaw at ang bonding niya sa kanyang mga pamangkin. * * *

Aminado si Diva Montelaba na merong pag­ka­kataon na naiinip na siya dahil after nilang magwagi sa Starstruck 5 ay wala pa silang regular na programa.

Panay workshop lang ang ginagawa nila at sa iisang programa lang siya regular - Party Pilipinas every Sunday though tatlong araw ang kinakain sa rehearsal para sa production number nila kasama ang ibang taga-Starstruck sa nasabing Sunday show ng GMA 7.

"Minsan naman po may mga guestings," susog niya.

Eh kailangan daw sana niyang kumita dahil nagre-renta silang mag-ina ng bahay dito sa Maynila, P11,000 plus kuryente at tubig pa at iba pang gastusin. "Nakaka-survive naman po. Buti na lang nga lately at maraming guestings," dagdag ni Diva na pumuti at kuminis na raw ang balat. "Minsan pa nga po, nakakapagpadala pa ako sa lola ko sa Cebu," dagdag niya. May sakit daw ang lola sa breast pero hindi niya ma-confirm kung may cancer ito.

Samantala, masama ang loob niya sa kanyang tu­nay na ama na isang beses pa lang niyang nakikita. "Nung first time pa po kaming magkita, hindi ko pa siya actually nakita dahil tumakbo ako nang makita ko na siya," pag-alala ni Diva.

Pero paminsan-minsan naman daw ay nagpa­paramdam ito sa pamamagitan ng text.

Paano kung bigyan siya ng datung para pam­bawi sa mga pagkukulang nito sa kanya? "Hindi po maba­ba­yaran ng pera ang mga pagkukulang niya sa akin," mabilis na sagot nito na type ding mag-join sa Bini­bining Pilipinas.

At kahit matagal-tagal na siya sa showbiz, natu­tu­lala pa rin siya sa tuwing makikita niya ang mga ini­i­dolo niya noong artista - during the time na nasa Cebu raw kasi siya adik siya sa artista. There was a time nga raw na hi­na­bol-habol niya pa ang van na sinasakyan ni Iwa Motto.

KC Concepcion on Kris Aquino leaving The Buzz: 'Ginulat niya kaming lahat'

said that KC Concepcion is one of the few stars who will make credible and influential hosts in the future. KC was very flattered about this and promised to work harder so she will not let people who believe in her, down. " Grabe naman 'yun. Siyempre it is the dream to be able to be recognized for something you worked to hard at you know if you are recognized, fulfilling talaga yung pakiramdam. For me I've been working so much on our show and on my live interviews sa The Buzz, if they are going to label me that, sana it is because they see the hard work that we put into it," KC said.

But while she is enjoying her new hosting ventures such as her recently launched morning talk show, Simply KC, there are some detractors who question her capabilities and "raw" hosting background. "I'm not going to defend myself, just watch the show kasi if you will worry too much about, "Can she? Can she?"... Manood na lang kayo, i-enjoy niyo na lang. Kapag tinatanong ako kung worth it ba, sinasabi ko talaga panuorin na lang yung show (Simply KC) kasi dun po nabubuhos yung atensyon ko,hindi po sa pag self-doubt or anything kasi kung doon po ako nag-focus wala na po akong ibang magagawa."

Meanwhile, KC was heavy-hearted when she learned about Kris Aquino leaving The Buzz. "Of course, nalulungkot ako, ginulat niya kaming lahat. I saw her sa birthday ni Tita Cory Vidanes, and I asked her, "Are you leaving?" She said, "Yes." Sabi ko, " Sayang naman, just when we were getting to know each other and just when we were spending time." Then she said, "Don't worry we still have six weeks, it will be fun, it will be fun!" And I am sure naman magkikita kami sa mga function of President Noynoy Aquino, I'm sure we will see each other sa mga io-organize nilang events," KC shared.

Regardless of how people look at Kris, KC said that she will always admire the Queen of All Media's innate honesty and transparency. "Of course, people have things to say pero ako kasi I give the person benefit of the doubt lagi. I always try to see kung ano yung maganda sa isang person and si Tita Kris naman is so generous to the point na we should actually appreciate how open she is to us. Kasi ako nga ninenerbiyos pa rin ako kapag ini-interview But she is really open about her life, kahit sabihin niyo na there are things you don't agree with, at the end of the day it takes a lot for a person to open up her life to the public and that is one thing I admire, how open she is kasi hindi madali 'yun and she has the courage to do that."

Kris and Ai Ai's decision irks 'Pilipinas Got Talent' fans

Some of the fans of "Pilipinas Got Talent" are crying foul over what they allege as the partiality shown by judges, Kris Aquino and Ai Ai de las Alas, over a certain contestant.

Apparently, fans disapprove the two judges' decision to vote for Sherwin Baguion instead of Geraldine 'Fame' Flores. With this vote, Baguion had shut out Flores from entering the show's finals.

"May mga tenga ba kayo? [do you have ears for music?]," asked a PGT fan in one website.

Another fan shared, "Aquino and de las Alas] are bullsharks!"

Still another pointed out, "Honestly your [Aquino and de Las Alas] reasons for choosing Sherwin are not that acceptable. PGT is not a charity show. It is a talent show... you should've chosen the one with real talent."

Seemingly eager to appease the fans, Aquino, via Twitter, wrote: "I'll defend my choice of Sherwin, may emotional attachment kami ni friendship w/ him because we saw his dad perform (Kuryente King) & we could feel their love for family. He has a voice that can be developed to be like Jed (my favorite). We r allowed to text vote- honestly I super voted for Reiniel- kasi nga MJ obsessed kami ni Bimby- shocked ako na #4 lang sya!"

Aquino's tweet, however, failed to placate disgruntled fans.

"Kapag judge ka isantabi mo muna emotions mo," wrote one.

"Your [Aquino] reason is shallow and disappointing," charged another.

"Sherwin missed notes and you still consider him the winner? All because of your so-called emotions? You robbed Fame of her right. Disappointing," rejoined another.

ABS-CBN, owner of the franchise made for TV reality contest, has kept mum on the controversy as of this writing. De las Alas has yet to issue a statement.

Source: The Manila Bulletin

Kris Aquino shares Blessings of Love

"Thank you CD buyer. I haven't sung a single note, but you've supported my CDs and have given me 4 straight Platinum Albums in 3 years. Help spread the word and make this my 5th platinum, okay?"

Thus started talk show host and actress Kris Aquino's personal thank you list found on the liner notes of her latest album released by Universal Records titled Blessings of Love.

For those who remain doubtful about Kris's bankability, her four previous albums were all indeed certified sellers based on sales figures despite her not having to croon or belt out tunes one after the other.

Blessings of Love follows the same route.

Shaped perhaps by the death followed by the overwhelming love accorded to her mother by the public and the impending proclamation of her brother Noynoy as the country's 15th president, the album carries more personal theme songs bordering on love, lost, hope and nostalgia.

Martin Nievera leads the lineup of songs with his own written material titled "Impossible Dreams"--an obvious nod but not to be confused to the classic poignant tune "The Impossible Dream," which is one of the tunes associated to Ninoy Aquino's struggles during the Marcos regime.

"Thank you for giving me such a beautiful song that paid so much tribute to the legacy of my parents," Kris wrote to the Concert King. "Thank you for acknowledging how much Mom's life changed the political outlook of your own family."

NOTEWORTHY SINGERS. Aside from Martin Nievera, other big names who lent their time and talent to the project were Gary Valenciano ("Love Is The Answer"), Jed Madela ("To Where You Are"), Nina ("You Are Not Alone"), Jay R ("Dance With My Father"), Gail Blanco ("Kung Tayo'y Magkakalayo"), Erik Santos ("Iingatan Ka"), Ogie Alcasid ("Ikaw"), Noel Cabangon and Aia de Leon ("Kanlungan") and Ronnie Liang ("Walang Iba").

Christian Bautista's cover of Jose Mari Chan's "I Have Fallen In Love (With The Same Woman Three Times)" undoubtedly is one of the disc's highlights. The mentioned track is close to Kris's heart since the lyrics of the song were based on a poem written by Ninoy to Cory.

The theme song of Noynoy's campaign "Hindi Ka Nag-iisa" composed by Ogie Alcasid and interpreted by Regine Velasquez was also included in the album.

"You told me 'Hindi Ka Nag-iisa' the song was an answered prayer that you wrote in just a couple of hours. You literally had a dream and it became our battle cry. Thank you for the gift of music when our hearts were still bleeding from such a profound loss," reads Kris's message to Ogie.

Blessings of Love once again reveals an intimate part of Kris through music that inspires and touches the heart of every listener.

"I believe there's always a reason to feel blessed, to feel grateful," said the TV personality in her message sent out to fans. "I thank God for giving me this life that I wholeheartedly share with all of you."

Kris may bagong kaaway


Kung totoo ang balita, malamang madagdagan na naman ang ma­ga­­galit kay Kris Aquino dahil hin­di pa man nakakaupo ang kan­yang kapatid na si Noynoy Aquino bilang pangulo ng bansa ay na­ba­balita nang inalok niya si Joey de Leon para pamunuan ang Optical Media Board (OMB) na nangangasiwa sa pagsugpo ng pi­ra­cy sa bansa. Pina­mumunuan ito sa ngayon ni Ronnie Ricketts. Bago siya ay si Edu Manzano ang head dito. Uma­lis lamang ito nang magpasyang tumakbo bilang bise presidente at si Ronnie nga ang humalili sa kanya.

Gayung bago pa lamang si Ronnie sa kanyang trabaho, marami na rin naman siyang nahuhuling pira­ta at nagawang perwisyuhin ang kanilang operasyon sa bansa. Matapang din siya sa pagsa­sa­gawa ng mga raids na hindi man pumipigil sa kanilang operasyon ay nakakaapekto ng malaki sa negosyo ng piracy dahil maraming maki­na silang nakukumpiska at mga tapes, discs, CDs, DVDs na nasisira. Hindi naman ipinauubaya ni Ron­nie sa kanyang mga tauhan at kapu­lisan ang mga ganitong raids, per­sonal siyang sumasama kaya nga tulad ng mga nauna sa kanya sa opisinang ito, inuulan na rin siya ng death threats. Tapos, biglang maba­balitaan niyang may balak nang pali­tan siya sa kanyang pwesto at si Kris pa mismo daw ang huma­hanap ng makakapalit niya? * * *

Sa ngayon, palaisipan pa rin kung sino ang su­su­nod kay Robin Padilla na mag-host ng WO­WO­WEE. 'Di naman puwede si Vhong Navarro dahil host siya ng It's Showtime. Kung tatanggalin siya rito para ilipat sa Wowowee ay ilalagay naman nila sa ala­nganin ang prog­ramang pinagsasamahan nila ni Anne Curtis eh mas mataas pa yata ang ratings nito sa Wowowee. In fact, itinuturing ito na malakas na pre-programming ng Wowowee. * * *

Ang dalawang beses bang miscarriage ni Ge­neva Cruz ang dahilan ng paghihiwalay nila ni KC Mon­tero? Sana ay may iba pang dahilan dahil un­fair naman kay Geneva kung dahil lang dito ay iiwan na siya ni KC. I'm sure hindi niya ginustong mag­karoon ng miscarriage, at dalawang ulit pa! * * *

Talagang pangangatawanan na ni Niño Muhlach ang ne­gos­yo niyang bakeshop. Katuna­yan, kumuha pa siya ng culi­nary course para ma­ging hands on. Ngayon nga naman, siya mismo at hindi ibang tao ang namamahala ng kanyang ne­gosyo. Na-realize ng dating child wonder na lumalaki na ang kan­yang pamilya at para mabig­yan ito ng magandang bukas, kinakaila­ngang palaguin niya at patakbuhin ng magan­da ang ne­gosyo na sinimulan ng kanyang ama para sa kan­ya, gamit ang perang kinita niya sa pag-aartista.

Monday, May 24, 2010

Kris Aquino: "Do you honestly think may gagawin ako para makasira kay Noy?"

It was the other Saturday, May 15, on Startalk when Dra. Vicki Belo confirmed that she and Kris Aquino were friends again. Muling kinuha ni Dra. Vicki si Kris as endorser at nag-sign si Kris ng three-year contract sa Belo clinic.

Kung matatandaan, nagkaroon ng falling-out ang dalawa nang matsismis ang asawa ni Kris na si James Yap na may relasyon sa staff member ni Dra. Vicki na si Hope Centeno.

Ayon kay Kris sa Startalk kahapon, May 22, "Actually, na-interview ko siya before noong paumpisa pa lang ang programa ko. And it was already okay then. Tapos nagkaroon sila ng konting isyu ni Boy [Abunda, her co-host and manager], so medyo hindi na naman naging okay."

Nagbiro kasi si Vicki last February na, "If you want to look like Boy Abunda, go to Calayan [Surgicentre]. But if you want to look like Dingdong Dantes and Piolo Pascual, come to Belo [Medical Group]," bagay na dinamdam nang husto ng King of Talk. Pero nag-apologize naman ang beauty doctor kinabukasan.

Patuloy ni Kris sa kanyang kuwento sa Startalk, "Hindi pa kami nagkikita or nag-uusap, pero mahabang proseso 'yan ng pakikipag-negotiate ng kontrata na every step of the way, si Boy ang gumawa ng negotiation with her representative. So, wala siya rito, pero, magpapa-treatment ako."

Manumbalik pa kaya ang dati nilang samahan?

"She's abroad. But when she gets back, by all means, of course, puwede kaming magsama. I'd love to and I'm now endorsing her clinic and her products again. And I kept Boy. Kung sinabi naman ni Boy na, 'Krissy huwag,' e, di hindi ko gagawin, di ba? Kasi ayoko... si Boy naman, bukas na bukas ang loob niya na sabi niya, 'Oo, move on na tayong lahat.'"

"DESPEDIDAS" FOR KRIS. Kris was asked kung ano ang reaction niya sa mga naglalabasang online petitions particular na sa Facebook kunsaan may panawagan na umalis na nga raw siya ng bansa.

Kung matatandaan, nagbitiw ng salita si Kris noon na aalis na lamang siya ng bansa kung makakasira siya sa kanyang kapatid na si Senator Noynoy Aquino kapag ito'y nahalal bilang pangulo ng bansa.

Merong "despedida" thread for Kris sa Facebook although ngayon, meron na ring "No Despedida for Kris, we love her" na thread sa naturang site.

Ayon kay Kris, "Yun nga ang sinasabi ko kay Noy, 'You know, Noy, if you become president at ang dami pang isyu dahil sa akin, I'll leave na lang.' Tapos, sinabi ni Noy sa akin, 'Kristina, tigilan mo na ang kadramahan, hindi ito teleserye.'

"So you know, if my brother took it lightheartedly, na kung tutuusin po, ang responsibilidad ko para sa kapatid ko at hindi para dun sa mga naninira ngayon kasi nga talunan sila. Masasabi ko lang kasi, sinabi na ni Noy, hindi ako masamang tao at ina-acknowledge niya na malaki ang nagawa ko para matulungan siya kasi nga, kapatid ko siya.

"Ngayong alam ko na nakabantay ang lahat para mabigyan ko ng sakit ng ulo si Noynoy, do you honestly think consciously or unconsciously, may gagawin ako para makasira kay Noy?"

Dugtong pa niya, "Siyempre, utang namin sa siguro—when the final tally is over—sa more than 15 million Filipinos na nagtiwala kay Noynoy at magluluklok sa kanya sa posisyon. So, hindi na lang din naman para kay Noy kung hindi para dun sa 15 million Filipinos na nagtiwala. Siyempre naman, noong binoto nila si Noy, alam nila na kapatid ako ni Noy. Alam nila na kapatid si Ballsy, si Pinky at si Viel, di ba? Alam nila na walang First Lady si Noy, so, alam nila na part and parcel kami kay Noynoy. So, gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko na tutulungan ko siya without being a burden on him and I'll be in my very best behavior."

Kung ano ang ikinaiba ng panahong ang ina niyang si Corazon Aquino ang pangulo ng bansa at ngayon namang ang kapatid niya ang magiging presidente, ang sabi ni Kris, "During the time of Mom, may excuse ako. I was 14 during the election and I was 15 when she took her oath. And it ended I was 21. So bata ako. Ngayon naman, 39 years old ako at matatapos ang termino niya na 45 years old ako.

"Please naman, magbi-behave ako," nakangiti niyang sabi.

(UPDATE) Kris Aquino makes up with Pacquiao


MANILA, Philippines -- Actress and television show host Kris Aquino has made peace with Sarangani Congressman-elect Manny Pacquiao, following their differences during the election campaign.

Now that the elections are over and her brother, Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III, is way ahead in the presidential race, Kris has set aside their differences and is friends again with Pacquiao and his wife, Jinkee.

“Kami nga ni Jinkee Pacquiao, OK na OK na ulit eh. Sinabi ko talaga sa kaniya, ‘Mare nagtampo ako sa asawa mo’. Pero OK na ngayon, love-love-love,” Kris said during Tuesday’s episode of Showbiz News Ngayon (SNN).

Before the elections, Pacquiao appeared in a TV ad for his presidential bet Sen. Manuel "Manny" Villar, Jr. He said in the ad in an apparent reference to Noynoy: "Merong iba diyan, laban nang laban sa salita pero wala pa namang nagawa."

In her Twitter account, Kris posted a short comment criticizing a “Pinoy sports icon” who had indirectly criticized her brother, for his lack of experience and achievements as a politician.

Kris hit back (twitter.com/iamkrisaquino): “In politics, Noy has won 3 straight terms sa Congress and won almost 15 million votes sa senatorial [race] in 2007. How sad na he didn't think na in politics, knockout nga siya.”

Kris was referring to Pacquiao’s first attempt in politics against Darlene Custodio-Antonino in South Cotabato in 2007.

Not mad at Sarah G.

Kris also clarified that she is cool with Popstar Princess Sarah Geronimo, who endorsed Villar's running mate, Sen. Loren Legarda.

In her reaction to a Twitter question aired on SNN, she said Geronimo never criticized Noynoy or any member of the Aquino family.

“Naunawaan ko kung anong desisyon nila. For as long as hindi mo inatake maliciously ang kapatid ko or any member of our family, wala sa akin 'yon,” said Kris.

She even said that she looks forward to possibly working with Gerenimo in the future.

“I really pray that one day I can work with her,” Kris added.

Kris won’t be my First Lady – Noynoy

Presidential frontrunner Senator Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III supports the decision of his sometimes-controversial sister, Kris Aquino, to give up part of her showbiz career for the sake of the apparent incoming “First Family” but clarified that she will not take the role of “First Lady.”

“Her decision’s okay,” said Sen. Aquino when asked about Kris’ soft departure from show business during an interview after the Holy Mass of thanksgiving joined by his campaign volunteers in Quezon City last Thursday night.

But the apparent successor to Malacañang was quick to clarify that his sister’s decision to move away from show business is not a confirmation of her taking the role of First Lady.

“She’s (Kris is) not going to be the First Lady. I have a contract with my sisters that once I’m proclaimed, they will return to their respective private lives,” the 50-year-old bachelor said.

Earlier, Kris said she has come to the decision of giving up hosting “The Buzz” and “Showbiz News Ngayon” after deliberating on it with her sisters, Ballsy Aquino-Cruz, Pinky Aquino-Abellada, and Viel Aquino-Dee.

Kris said she will minimize her television appearance “for Noynoy’s sake," but will keep her stints in her daily primetime soap opera and a talent search program.

As a brother, the senator said he supports Kris’ decision because it would give her more time to attend to her sons, Joshua and Baby James.

“That will give her more time for her children. While Baby James is already attending school, Joshua is growing taller and bigger. It’s hard whenever he invites me to go out, he literally drags me like the other day at The Podium,” Sen. Aquino said.

“Kris might be giving up hosting talk shows, but I think she also wants to embark in different areas in her career path. Let’s just wait and see how her career will go on,” Noynoy added.
When asked if he intends to have a First Lady, Noynoy was hawkish. “I recognize that being married can inspire me, but I am at the same time cognizant of possibly making the wrong choice. Getting married then will only be a heavy burden,” he said.

Kris Aquino: 'I'll be on my very best behavior'

Nanindigan si Kris Aquino na hindi siya aalis ng bansa, kasabay ng pangako na hindi magiging pabigat sa liderato ng kanyang kapatid na si Senador Benigno “Noynoy" Aquino III.

Sa ulat ni Rawna Crisostomo sa GMA news 24 Oras nitong Martes, muling naungkat ang binuong fan page sa Facebook na “Kris Aquino’s Despidida" na umabot na sa mahigit 22,000 miyembro.

Ang fan page ay kaugnay sa naging pahayag noon ni Kris na aalis siya ng Pilipinas kapag nanalo ang kanyang kuya Noynoy sa panguluhan at magiging pabigat siya rito.

Ngunit iginiit ni Kris hindi siya aalis ng Pilipinas. Aniya, nasambit lang niya ang naturang pahayag noon dahil nadadamay na ang pangalan ng senador sa isyu niya sa showbiz, partikular sa iringan nila dati ni Ruffa Gutierrez. (Basahin: Noynoy defends sister Kris over FB's despedida issue)
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

“Sinabi ni Noy sa akin, ‘Kristina tigilan mo na ang kadramahan, hindi ito teleserye.’ So you know if my brother took it lightheartedly, na kung tutuusin po ang responsibilidad ko ay para sa kapatid ko at hindi para sa mga naninira ngayon kasi talunan sila," ayon sa actress-host.

Idinagdag pa ni Kris na, “Ngayong alam ko na nakabantay ang lahat para mabigyan ko ng sakit ng ulo si Noy, do you honestly think consciously or unconsciously may gagawin ako para may makasira kay noy?"

Sa napipintong pag-upo ng kanyang kuya Noy sa Malacanang, pangako ni Kris: “Gagawin ko ang lahat talaga na makakaya ko na tutulungan ko siya without being a burden on him, and I’ll really be on my very best behavior."