Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Sunday, December 5, 2010

Kris-Diet kissing scene, goes take 5!

NAALIW kami sa tweet ni Kris Aquino kung saan ay sinabi niyang 15 hours daw kinunan ang wedding scene nila ni Diether Ocampo sa pelikulang Dalaw, pero three minutes lang pala ito mapapanood sa movie.

"Here now in Brent for Bimby's PTC. We shot the Dalaw wedding scene for 15 hours! Please appreciate the 3 minutes u'll see it on screen!" parte ng tweet ni Kris sa kanyang Twitter account kahapon.

Ang Dalaw ay horror film na entry ng Star Cinema at Cine Media sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre na idinidirehe ni Dondon Santos. Tinanggap daw ng aktres ang naturang pelikula dahil sa ganda ng kuwento nito.

Sa TV naman, baka by next year na ipalabas ang Deal or No Deal ng aktres-TV host at tamang-tama naman dahil makakapag-concentrate siya sa Dalaw.

Sa nasabing wedding scene, kasama nang nakunan ang kissing scene nila ni Diet na balitang naka-take five at ayon kay Kris, kung noon ay hesitant siya sa paggawa ng kissing scene (obviously because of James Yap), ngayon ay puwede na.

"Sinabi ko rin kay Diet na it's much easier to fulfill your duties as an actress and be true to the character if you're not in a relationship. Kasi, wala kang iniilagan. Wala kang kinakatakutan na 'naku, baka mag-away kami pag-uwi ko, baka ganyan. ' So, nagagawa mo talaga kung ano ang required sa role," sabi ni Kris in a TV interview.

No comments:

Post a Comment