Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Friday, March 19, 2010

Boy Abunda on Kris Aquino and Ruffa Gutierrez: 'I want the two girls to be happy'

Hindi maiwasang hindi maapektuhan si Boy Abunda sa sitwasyong kinasusuungan ngayon ng kaibigan nitong si Kris Aquino. Sa set ng The Buzz last Sunday ay humagulgol na naman si Kris on air after nitong mapanood ang VTR interview ni Boy kay Ruffa Gutierrez, who was saying goodbye sa Kapamilya network. " Hindi ko alam kung bakit ganoon siya ka-emosyonal kanina na talagang umiyak na si Krissy ng ganoon. I felt Krissy's feelings. Oo naman, kahit sinong kaibigan, kapag nakita mong umiiyak ang kaibigan mong minamahal, nasasaktan ka rin," bungad sa ABS-CBN.com ni Boy nang makausap namin ito after the show. " Sino ba naman ang mag-akalang that after ay siya pa 'yung masisisi? ' Di ba? Of course, affected siya unang-una and sa side ko naman, ang hirap nung situation na 'yun at lubos-lubos ang pagkakaintindi ko kay Krissy."

Ano naman ang kanyang maipapayo o masasabi sa tuluyang pagpaalam ni Ruffa sa The Buzz?
"You know, like what I told Ruffa that this is not good-bye. It's so hard to say that to someone that you've loved, like Ruffa na ilang taon din naming nakasama ni Kris sa The Buzz. Kay Ruffa, maliit lang itong industry nating kinaiikutan. It was just a temporary good-bye, we will miss her, napaka-respectful niyang tao, nagkaroon lang ng unfortunate incident, but she's so brilliant, intellegent girl at kung anuman ang kanyang naging choice ay okay rin sa aming mga kaibigan niya," Boy explained.

Sa mga ganitong sitwasyon, bilang kaibigang matalik nina Ruffa at Kris, ano naman ang kanyang pakiramdam na laging nasa gitna ng sitwasyon? "It's territorial. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong sitwasyon. Nakakabigla lang especially kapag instant situations like what happened. Bilang kaibigan at tao, maybe I should say that it's a test of endurance, character, and patience. Mahirap lang talaga maipit. Maraming pagkakataong nangyari ang ganyan sa akin. It is very hard. Like after that incident, napakaraming tumawag sa akin for interview and everything but I decided to keep quite about it, I gave first the privacy to both Ruffa and Kris, ganoon dapat ang kaibigan na, it's really hard. Keeping that balance, without using your cool, losing yourself. Mas maganda at mas masayang nabubuhay kung marami kang kaibigan o kaibigan ko lahat kung pu-pwede lang, 'di ba?"

Sa lahat ng pangyayaring ito, ano naman ang kanyang naging conclusion? " Alam kong maliit lang ang industry nating ito. Alam kong magkakasalubong din itong sina Ruffa at Kris at magtatawanan na lang 'yan. I love you both. What a journey it has been. Kay Ruffa, stay and remain beautiful, to continue and be the best of who you are. Kay Kris, she knows it that she's the little sister that I never had. I mean, bawat luha niya, luha ko rin. Bawat tawa niya ay tawa ko rin, bawat ngiti niya ay ngiti ko rin. Kung kailangan niya ako, hindi pa niya sinasabi ay nandiyan na ako. I will always be here for Kris everytime she needs me, what I want now is for the two girls to be happy." paglalahad pa ni Boy.

Nagbigay rin ng kanyang pahayag ang sikat na host patungkol sa isyung pagpasok diumano ni Gretchen Barretto sa The Buzz bilang replacement ni Ruffa Gutierrez. "That's not true! I'm her manager, maraming schedules si Gretchen, medyo busy talaga siya sa scheds niya plus the fact na wala naman talagang natatanggap na offer or wala naman talagang offer kay Gretchen to enter sa The Buzz as our new co-host," pagtatapos ni Boy

10 comments:

  1. the best person to apologize is ANNABELLE RAMA....i understand Kris' emotions imagine you will be blamed kung matalo ang kapatid..that is foul and unfair!

    ReplyDelete
  2. annabelle bastos rama is foul, baket di nalang siya mag artista di ba niya feel bumababa ang rating ng mga anak niya dahil sa panghihimasok niya, thats bad, ok magulang siya e di don't let her daughter and sons to join showbizz, at sino ba siyang magsasabi don't vote for noynoy, wow!go check your background anna belle, and also if gretchen will be in the buzz sayang lang pera ng abs-cbn most viewers don't like gretchen, ai - ai is better, ok

    ReplyDelete
  3. I LOVE THE CHILD LIKE IN KRIS CHARACTER. KAPAG NAGKAKAMALI...HUMIHINGI KAAGAD NG KAPATAWARAN...AT KUNG NASASAKTAN NAMAN AY DI NAHIHIYANG IPAALAM SA MADLA ANG NARARAMDAMAN. KRIS IS NOT PLASTIC AT ALL. NOBODY IS PERFECT IN THIS WORLD. ANG MGA TAONG LAGING NAKAKAPANSIN NG MALI NG IBA AY SIYA NA MANG MAS MARAMI ANG MALI SA BUHAY NILA. ANG MASASABI KO KAY KRIS..."KAYA MO YAN...JUST BE YOURSELF FOREVER...HINDI KA NAG-IISA!!!" WE LOVE YOU AND YOUR FAMILY EVER SINCE YOUR DAD DEDICATED HIS LIFE FOR OUR COUNTRY, AND THAT FOR SURE OUR LOVE WILL NEVER CHANGE.

    ReplyDelete
  4. I agreeeee , go for it kris god is always with you.

    ReplyDelete
  5. this is out of the topic. but all i wanna know is kung nayanggap ni kris ung pinadala kong mangoes from dinalupihan bataan. im a amngo propagator en i sent her 5 kinds of mangoes. just askin.
    imelda mallari

    ReplyDelete
  6. basta ako avid fan ako ni kris and i will support noynoy, maybe kris is taklesa but she admit if she,s wrong..

    ReplyDelete
  7. 2010 na kung ano man ang sinabi ni kris ok lang yun karapatan nya yun kung ayaw mo thats to bad pero free country diba dina uso yung paiyak iyak well depende dika naman binastos rh galing kapa naman dito speak out

    ReplyDelete
  8. gusto ko si kris tama yan free country

    ReplyDelete
  9. dnt worry about anarama na yan laging nakasingit

    ReplyDelete
  10. yeah! exactly... its none of their business already! go Kris.. We love you especially your family... wheew! NOZY NZOY for Honest GOVERNANCE..

    ReplyDelete