Inamin ni Kris Aquino na talagang tinawagan niya si Joey de Leon para tanungin kung gusto nitong maupo bilang chairman ng Optical Media Board.
"I asked him," say ni Kris, "I called, 'yun ang totoo, and I said, 'we owe you a lot because naglakas-loob kayo na last three weeks (of the campaign), the whole (Eat) Bulaga was in yellow. You made a stand. "I asked him pero ayaw niya," say ni Kris.
Mas gusto na lang daw kasi ni Joey na maging observer and cheerleader na lang kaysa maging appointee.
Pinatatanong nga rin ni Kris si Ogie Alcasid para sa nasabing posisyon pero mukhang ayaw din ni Mr. Songwriter dahil busy ito sa ini-revive na OPM (Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit).
"Hindi, itinanong ko lang kasi puwedeng i-submit ang name niya, eh. Kasi, singer siya, that also affects him, anti-piracy, 'di ba?" Kris said.
Si Dingdong Dantes naman ay hindi pa alam ni Kris kung may hahawakang posisyon dahil hindi pa raw nito nakakausap si President-elect Noynoy Aquino.
Pero nakarating daw kay Dingdong ang naging statement ni President-elect Noynoy na puwedeng-puwede siya talagang bigyan ng posisyon dahil na rin sa pagiging youth icon nito at magaling daw ang aktor sa mobilization and organization.
"Then, sabi nga ni Dingdong, nagulat na lang siya pag-uwi niya (from the States) na may ganu'n, so, hindi pa sure," kuwento ni Tetay.
Dahil nauna na ngang naintriga si Boy Abunda nang maging issue na inaalok ito ni P-Noy na maging DOT secretary, ayon kay Kris, mukhang wala nang artistang gustong humawak ng posisyon.
"Siguro kasi, dahil sa ginawa nilang pang-aapi kay Boy, nobody wants na. Ang saya-saya ng buhay natin tapos lahat ng naiinggit sa mundo, titirahin lang tayo for wanting to do good for our country, eh, 'di huwag na lang, 'di ba?"
Basta si Kris ay naka-focus sa 0-5 years old na mga bata at kung anuman ang pangangailangan ng mga ito ay sisikapin niyang matugunan. In fact, nagsimula na nga siyang mamigay ng school supplies sa iba't ibang lugar kung saan ay 20,000 children ang kanyang nabigyan ng tulong.
* * *
Ayon kay Jomari Yllana, he's not a bit affected nang mabalitaan niyang nagde-date na sina Sam Milby at Marie Digby.
Matatandaan kasing unang na-meet ni Jom kaysa kay Sam si Marie nang ipag-produce ito ng Fearless Productions ng concert last year sa 'Pinas.
Kung tutuusin, si Jom talaga ang nagpakilala kay Marie sa mga Pinoy dahil that time ay hindi pa ganu'n katindi ang kasikatan ng nasabing acoustic singer although in fairness, may name na rin naman at sikat na sikat sa You Tube.
Pero ang naging relasyon lang daw talaga ni Marie noon ay purely professional at wala raw talagang romantic angle.
Masaya raw siya for Marie and Sam at wala siyang nararamdamang kahit anong selos factor although nagbiro siya ng "una siyang naging akin. "
But then, matagal na rin daw silang walang communication ni Marie since may kanya-kanya naman silang buhay,
Sa ngayon ay busy na naman ang Fearless Productions nina Jom at Ronald sa darating nilang concert, this time, hold your breath dahil ang sikat na sikat na American Black singer na si Usher ang kanilang dadalhin dito sa Manila.
Titled Usher: Live in Manila, gaganapin ang concert sa July 9, 2010 sa Mall of Asia concert grounds.
Ayon kay Jom, so far, ito raw ang pinakamalaki at pinakamadugo nilang foreign artist concert dahil sa mahal ng TF ni Usher. Pero confident siya na magiging successful ang concert dahil first time sa 'Pinas ng nasabing singer aside from the fact na napakarami ngang following nito.
Darating si Usher sa bansa ng July 8 at ina-arrange pa ni Jom kung pwede pa itong makapag-guest sa mga TV shows ng GMA-7 na siyang media partner nila.
No comments:
Post a Comment