Author: Bernie Franco
"If anybody is to be blamed, it's me." Ito ang simula ni Kris Aquino sa The Buzz kahapon na tinutukoy ang pagiging malaking balita ng diumano'y pago-offer ng posisyon ng kampo ni Presidential front-runner Sen. Noynoy Aquino kay Boy Abunda na maging bahagi ng kanyang gabinete. "I was the one who brought it up with Noy," sabi pa ni Kris. "I was the one who brought it up with Boy, not realizing naman that it would cause such a major front page. Tatlong araw na diretso na po."
Depensa ng actress-host, nakikita niya ang potensyal ni Boy para mabigyan ng posisyon sa magiging administrasyon ng kanyang nakatatandang kapatid. Naibalitang balak diumano na io-offer kay Boy ang maging Department of Tourism secretary na umani ng ibat-ibang reaksyon. " Ako po kasi nakita ko kasi ang marketing capabilities ni Boy Abunda. Nakita ko ang pagmamahal niya sa ating mga probinsya at sa ating mga mamamayan at ang kagustuhan niya to serve," ani Kris.
Alam din daw umano niya na magiging tapat si Boy sa kanyang kapatid kung mailagay ito sa posisyon. "I dealt with Boy with so many money matters. And kung meron kang irerekomenda para sa gobyerno gusto mo 'yung taong mapagkakatiwalaan mo and 'yung taong hindi mangungurakot and protective at aalagaan 'yung presidente and alam ko si Boy handang ibigay ang buhay to protect my brother," pahayag ni Kris.
Nilinaw pa ni Kris na hindi pa naman umaabot sa puntong pormal nang inialok kay Boy ang posisyon, kung kaya't nagtataka siya kung bakit patuloy pa rin ang pambabatikos. " Ngayon po sa lahat ng bumabatikos sa kanya and nung napag-usapan po and hindi pa po umabot dun sa point na formal na 'yung offer, batikos pa rin kayo ng batikos. What's the point, eh hindi naman tayo umabot do'n?"
Pero sa pahayag ni Kris kahapon, pinanindigan ni Kris ang kanyang sinabi na karapat-dapat kay Boy ang mabigyan ng posisyon. " Ako nga po udyok pa ako ng udyok sa kanya (Boy). Ngayon sinasabi ko sa kanya tutal naman your getting all this flak and tutal naman alam natin na malaki ang mako-contribute mo sa Pilipinas, go for it Boy."
No comments:
Post a Comment