Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Saturday, June 19, 2010

Kris hindi napilit mag-powder ang kapatid na presidente


MANILA, Philippines - Kaloka ang mga speeches kahapon sa Mababang Kapulungan para sa proclamation nina newly elected President and Vice President Noynoy Aquino at Jejomar Binay.
Naimbyerna ang ilang nanonod sa TV dahil ang akala ng lahat, wala nang kung anu-anong mga seremonyas. Proclamation lang ang gustong mapanood ng tao kaya nainip sila sa paghihintay.
Anyway, medyo nabalam man ng konti, natuloy na ang pinakahihintay na proklamasyon ni Noy-Bi bilang mamumuno sa ating bayan.
Pero maraming nag-aapela na bakit hindi pinaakyat para sa photo op si Shalani Soledad, ang girlfriend ni newly elected president Noynoy although wala ang mga pamangkin niya. Tanging ang mga kapatid niya at mga asawa nito ang nasa likuran niya nang iproklamang bagong presidente ng Pilipinas.
Nakakaaliw naman ang mga sidelights sa ginanap na proclamation. Nag-tweet si Gigi Grande, reporter ng ABS-CBN na sinabi ni Sen. Chiz Escudero kay Ces Drilon na meron pang price tag ang suot na sapatos ng bagong pangulo nang dumating ito sa Batasan.
Seatmates naman sina Ogie Alcasid at Shalani Soledad.
Napanood din sa international channel na CNN ang nasabing proclamation nina president Noynoy at VP Binay.
Ayaw magpalagay ng powder ni Noynoy sa kanyang mukha. Gusto sanang lagyan ni Kris ng powder ang kapatid pagdating nila ng Batasan noong nasa Holding Room na sila, pero tumanggi raw si Noynoy. Hindi na raw napilit ni Kris ang kapatid.
Nabalita sa isang radio station na 10 pages ang inihandang speech ng bagong pangulo. Pero hindi na ito binasa ni Noynoy. Diretso na raw ito sa record section ng Kongreso.
Showbiz na showbiz ang dating ng pagiging pangulo ni Noynoy dahil sa kapatid na si Kris na nangako na tutulong sa kapatid para sa ikauunlad ng bayan.
Kaya ang theme daw ngayon ng bagong gobyerno, That's Entertainment sabi WF. * * *
Magkakaalaman na kung sino ang pinakamagaling sa buong Pilipinas dahil magaganap na ang grand finals ng pinakamalaking talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent ngayong Sabado (June 12) at Linggo (June 13) live sa Araneta Coliseum.
Mula sa libu-libong nag-audition na galing Luzon, Visayas, at Mindanao, 12 lang ang maglalaban-laban para sa maging unang grand winner ng kumpetisyon at mauwi ang P2 milyon na premyo.
Kabilang sa mga finalists ang BatangueƱong singer at certified YouTube sensation na si Jovit Baldivino na nakuha ang unang finalist slot sa unang semi-final round ng kumpetisyon matapos niyang awitin ang Carrie ng grupong Europe. Sinamahan siya ng judges choice at ventriloquist na si Ruther Urquia na inaliw naman ang sambayanan sa kanyang nakakatawang puppet show.
Hindi rin nagpahuli ang nakakamanghang magic tricks ni Allan "Alakim" De Paz na siyang nanguna sa botohan, at nakakakilig na boses ng Fil-Norwegian crooner na si Markki Stroem na siya namang nanguna sa puso ng mga hurado, matapos nilang masungkit ang finalist slots sa ikalawang round.
Nagpatuloy ang pamamayagpag ng mga kalalakihan sa ikatlong linggo ng labanan nang piliin ng sambayanan ang batang gitaristang si Keith Delleva at ng mga judges naman ang magkakapatid na breakdancers na Velasco Brothers.
Pagpasok ng ika-apat na semi-final round ay kinilala na nga ang unang babaeng lalaban sa finale sa katauhan ni Kaye, ang bokalista ng Ezra Band na pinaibig ang mga manonood matapos nilang bigyang buhay ang awiting Right Here Waiting sa ginanap na performance night. Tinanghal din na finalist si Sherwin Baguion na lumaban din sa kantahan at inawit ang Sana Maulit Muli.
Mas lalong naging bukod tangi ang halo ng mga acts na maglalaban-laban sa Pilipinas Got Talent nang pumasok ang pamilya ng mang-aawit na Luntayao Family at instrumentalist na si Jeline Oliva. Pinahanga ng chorale group ang lahat sa ka­nilang bersyon ng Kay Ganda ng Ating Musika ha­bang ang dalagitang mula Bicol naman ay pinabilib ang mga hurado sa kanyang pagtugtog ng violin at piano.
Tuluyan na ngang nakumpleto ang top 12 kama­kailan nang iluklok ng publiko sa grand finals ang dance group na Baguio Metamorphosis, na nagpamalas ng husay sa pagsayaw suot ang kanilang makukulay na costumes, at piliin naman ng mga hurado ang musical siren na si Ingrid Payaket, na nagbigay ng madamdaming awitin mula sa Broadway musical na Phantom of the Opera.
Bongga ang PGT dahil simula nang ilunsad ito noong Pebrero kasama sina Luis Manzano and Billy Crawford ay humataw na ito sa rating.
Huhusgahan kung sino ang mananalo kasama ang big three judges na sina Kris Aquino, Ai Ai delas Alas, at Freddie M. Garcia.

No comments:

Post a Comment