Hindi na raw niregaluhan ni Kris ang sarili, para makatulong sa pagpondo ng Ayos Na, ang youth arm na itinatag ni Dingdong Dantes para sa presidential candidacy ni Senator Benigno "NoyNoy" Aquino III.
Sobrang na-touch daw ang TV-host actress nang malaman niyang kasapi na sa Ayos Na sina Kris Bernal at Aljur Abrenica. Sabi raw sa kanya ng manager niyang si Deo Endrinal, "Hanapin mo yung Kris Bernal and Aljur Abrenica dahil sumama sila sa Ayos Na. To think na kalaban nila yung show mo. Mag-thank you ka."
Ang drama series ni Kris sa ABS-CBN na Kung Tayo'y Magkakalayo ay katapat ng fantaserye nina Aljur at Kris Bernal sa GMA-7 na The Last Prince.
Hinanap nga ni Kris at itinext ang kanyang pasasalamat.
"Eto ang sinabi ni Kris Bernal," paglalahad ng PGT judge. "'Hello po. Pasensya na po nagti-taping po ako. Kinakabahan din po ako kaya hindi ko nasagot. Sobrang nahihiya po ako. Hehe. Pero wala po yun Ms. Kris. Kami pa nga po dapat ni Aljur ang dapat mag-thank you. Grateful po ako at naging part po ng Ayos Na. Nag-e-enjoy din po ako. Thanks po sa text Ms. Kris. Hope to meet you. God bless.'
"Tapos si Aljur: 'Ms. Kris sorry I missed your call. This is Aljur Abrenica po. It is my pleasure doing the youth advocacy in Davao sa pamumuno ni Kuya Dong. Marami pa raw po kaming gagawin sabi ni Kuya Dong. Maraming salamat po ulit sa text.'
Sagot naman ni Kris: "Sinabi ko, 'Sana ma-meet ko naman kayo dahil hindi ko pa kayo na-meet at hindi ninyo pa naman nami-meet si Noy.'"
CAMPAIGN CARAVAN. Nabasa ni Deo sa diyaryo na nag-commit din daw ang dalawa na sasama sa caravan na inoorganisa ni Dingdong.
"Yung unang caravan ni Dong, gastos niya," sabi ni Kris. "Si Noy tinulungan na siya ng konti. Konti lang kasi alam naman din niya na hanggang doon lang...
"Doon ka mata-touch kay Dong kasi on his own talaga... Nangako siya ng ten caravans, e. Nakaisa na siya, so may nine to go. Na each of those remaining ones, e, meron tayong ipro-produce na Kapamilya stars who are already committed na kahit paisa-isa, padala-dalawa...
"Alam mo sa kanila kasi, wala silang rules... There was a Davao initiative na GMA. So, Dingdong was able to get three hours. And since their stars are there, tinayming ni Dingdong na three hours. Kumuha siya ng window niya at hinatak niya. Matalino, di ba? At naki-coordinate siya doon kay ano, yung governor nila.
"Maraming inaasikaso si Dong for Ayos Na... Alam mo talaga na kung tatakbo ngayon ng Kongreso in three years, he laid the groundwork and he knows how to do it."
No comments:
Post a Comment