Aliw na aliw ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa Manila audition ng bago niyang show sa ABS-CBN na Pilipinas Got Talent na ginanap sa AFP Theater kagabi, February 5. Isa si Kris sa mga judges sa naturang show, kasama ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas at Dos executive na si Freddie Garcia.
"Tawa nang tawa ang audience kay Ai-Ai kapag sinasabi niya, 'Walang kakuwenta-kuwenta,' kapag hindi magaling yung nag-audition. Habang ako naman Ms. Friendship talaga," masayang bungad ni Kris.
Ang susunod na audition ng Pilipinas Got Talent ay sa Batangas. Pero maiiba na ang pilot date nito sa ABS-CBN.
"Dapat February 13, pero kasi may malaking boxing event that Sunday. E, baka ma-late lahat ang pasok ng mga show. Sayang naman kung masyado na kaming late mapapanood. So, they decided na i-move ng February 20," esplika ni Kris.
Dahil sa na-move na ang premiere telecast ng PGT, nag-treat na last Friday ng dinner si Kris sa kapuwa hurado niya at staff ng show para idaos ang birthday niya na pumapatak sa February 14
No comments:
Post a Comment