Nakarating kay Kris Aquino ang pagsama nina Kris Bernal at Aljur Abrenica sa AYOS NA (Advocates of Youth and Students for Noynoy Aquino) movement ni Dingdong Dantes sa iba't ibang parte ng Pilipinas at labis na nagpapasalamat ang Queen of All Media sa magka-loveteam considering na GMA-7 talents ang mga ito.
"Si Deo (Endrinal, business unit head ng ABS-CBN at manager ni Kris) pa ang nagsabi sa akin na 'hanapin mo sina Kris and Aljur dahil sumama sila sa AYOS NA to think na kalaban nila 'yung show mo, mag-thank you ka'," kuwento ni Kris nang makausap namin sa set ng Pilipinas Got Talent sa AFP Theater.
"Hinanap ko sila, tapos nag-text ako. Eto o, sinabi ni Kris Bernal, eto 'yung text niya," say ni Kris as she reads the message in her cell phone, "hello po, pasensya na po, nagti-taping po ako, kinakabahan din po ako kaya 'di ko nasagot. Sobrang nahihiya po ako he-he. Pero wala po 'yun Ms. Kris, kami nga po ni Aljur dapat mag-thank you. Grateful po ako na naging part po ng AYOS NA. Nag-e-enjoy din po ako. Thanks po sa text, Ms. Kris. Hope to meet you. God bless. "
Tinawagan din daw niya at tinext si Aljur at heto naman ang sagot ng young actor:
"Ms. Kris, sorry I missed your call. This is Aljur Abrenica po. It is my pleasure doing the youth advocacy in Davao sa pamumuno ni Kuya Dong. Marami pa raw po kaming gagawin, sabi ni Kuya Dong. Maraming salamat po ulit sa text. "
Sobrang touched si Kris sa magka-loveteam at say niya, gusto niya raw ma-meet ang mga ito.
"I asked Dong, kasi Dong, is in Qatar with Marian (Rivera), so, sinabi niya mag-thank you ka sa kanila dahil nga umoo sila at nag-commit. Nabasa ni Deo na nag-commit sila at sasama sa caravan ni Dingdong," sabi ni Kris.
Lubos din ang pasasalamat ni Kris kay Dingdong dahil sa ginagawa nitong all-out support kay Noynoy sa pamamagitan ng AYOS NA movement. Kuwento nga niya, sa unang caravan ng aktor ay galing sa sariling bulsa nito ang perang ginamit.
Kaya nga ngayon, tinutulungan din niyang pondohan ang AYOS Na movement ni Dingdong dahil marami pang naka-schedule na malawakang movement.
"Meron sa Feb 22 na malaking event pagbalik nila, good for ano yata, eh, good for 10 to 12,000 youth, hindi ko alam kung saan. "
Meron din daw naka-schedule sa Amoranto Stadium, QC at nakatoka nga raw siya na dalhin si Kim Chiu and so far ay nag-commit na raw ang young actress.
Puring-puri ni Kris si Dingdong na talaga naman daw walang hinihingi or demands.
"Doon ka mata-touch kay Dong kasi on his own talaga. Tapos, hindi ka kinukulit na, hindi niya ako kinukulit na "Kris, kailangan ko ng ganito-ganyan. Tapos, biglang andu'n na.
Kaya sabi ko kay Deo, 'in all fairness, tulungan na natin dahil talaga namang nagpo-produce'.
"So, sabi ko, 'yung caravan niya, let's make sure na tuwing event niya, kasi nangako siya ng 10 caravans, eh. Naka-isa na siya, so may nine to go. Na each of those remaining ones, eh, meron tayong ipo-produce na Kapamilya stars who are already committed na kahit paisa-isa, padala-dalawa, dahil iba 'yung impact noon na nakita mo 'yung dalawa (Kris-Aljur). "
Anyway, ipinagpapasalamat ni Kris na may dalawang renewal siya ng endorsement at lahat ng 'yun ay ipinangako niyang diretso sa kampanya ni Sen. Noynoy.
"Hindi ko na talaga nahawakan 'yung dalawang renewal na 'yun, dumiretso na sa ABS-CBN (para sa slot ng ad campaign). Tapos, sabi ng sisters ko sa akin, 'never mind Krissy,
I'm sure Mom will find a way". Alam mo, no joke, alam mo talaga, yesterday, may bago akong endorsement na pag sinuma-total mo 'yung ibinayad ko, equivalent to that, right away. Na-close ni Boy (Abunda) kahapon, isang malaking thank you God talaga," masayang kuwento ni Kris.
Ang goal daw nila ni Boy ay three more endorsements na lang para ma-sustain nila ang lahat ng tv ad ni Sen. Noynoy hanggang eleksyon.