Monday, August 3, 2009
US leaders saddened over ex-President Cory Aquino’s death
Sa pagpanaw ni former president Corazon “Cory” Cojuangco-Aquino, ay nakiisa rin sa pagluluksa ang mga prominenteng pulitiko ng ibang bansa, particular na sa America. Nang mabalitaan ng mga ito ang pagpanaw ni former president Cory ay nagbigay ng mensahe sina US Senator Hillary Clinton at US President Barrack Obama bilang pagbibigay-pugay sa unang pangulong babae ng Pilipinas.
“I’m so sorry,” simula ni Sen. Hillary Clinton. “I wrote her a note a few weeks ago when I heard that she was so sick. I admired her greatly. She was a woman of courage who loved her country. She and her family sacrificed so much to try to give the people of the Philippines a better future. And I think that she’s an inspiration not only to the Philippines but to people everywhere who believe in the right values and positive future.”
Mula naman sa White House ay naglabas ng official statement ni President Obama sa pamamagitan ni US Press Secretary Robert Gibbs bilang pagkilala sa malaking kontribusyon ni ex-president Cory upang makamit muli ang demokrasya ng Pilipinas sa panahon ng Martial Law na ipinataw ni dating pangulong Ferdinand Marcos.
“The (US) president was deeply saddened by the death of former president of the Philippines Corazon C. Aquino,” simula ng official statement mula sa opisina ni Pres. Obama. “Mrs. Aquino played a crucial role in the Philippine’s history, moving the democratic rule through her non-violent “People Power” movement over twenty years ago. Her courage, determination, and moral leadership are an inspiration to us all and exemplify the best in the Filipino nation on behalf of the American people. The president extends his deepest condolences to the Aquino family and the nation of the Philippines.”
Samantala, sa ating bansa, nagbigay naman ng full military honors ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng volleys of cannon fire o ang pagpapaputok ng mga kanyon kada 30 minuto noong Agosto 1, ang araw nang pumanaw si Mrs. Aquino. Ang nasabing military honors ay pagbibigay-pugay sa dating commander-in-chief ng bansa.
Sa De La Salle Greenhills ginanap ang burol ni Mrs. Aquino dahil sa nasabing lugar ginanap ang quick count noong 1986 nang ganapin ang snap election na nagbigay daan upang mailuklok siya bilang ika-11 pangulo ng Pilipinas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment