Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Monday, August 3, 2009

Kris Aquino says former president Joseph Estrada earned her respect


Sa malungkot na pagpanaw ni dating pangulong Corazon Aquino ay may magagandang kaganapan ding itong naidulot, halimbawa lamang, ipinakita ni dating pangulong Joseph Estrada na tunay siyang kaibigan sa pamilya Aquino kahit na nagkaroon sila ng hidwaan dulot ng mga isyung pampulitika dati. “I respect this man so much now,” sabi ni Kris sa The Buzz kahapon. “Nakiusap si (dating) presidente Erap kung pwede siyang dumalaw. People close to our families said okay lang sa kanila pero kung pwede tahimik na lang and he understood. Dumaan siya sa basement, umikot siya and when media asked him kung nakausap niya ang mom ko sinabi niya, ‘Nilabas lang ako ni Noy (Noynoy Aquino) at ni Kris. That’s not true. We allowed him inside but I think he wanted to give our family that privacy.” Hinangaan ni Kris si Erap dahil nirespeto niya ang kahilingan ng pamilya at hindi ginamit ang pakikipagkita nito kay Gng. Aquino para sa publisidad. Makabuluhan ang kaganapang ito dahil isa si Gng. Aquino sa mga nanguna sa pag-aalsa dati upang mapatalsik mula sa pagiging presidente si Erap.

Kinuwento pa nga ni Kris ang pag-uusap nila ni Erap at ibinahagi ng huli ang unang pag-uusap nila ni dating pangulong Cory. “He told me, ‘Alam mo, Kris, ‘yung first conversation namin ng mom mo, nung bago akong senador at presidente siya. Tinanong niya ako, ‘Do you think, okay lang na payagan kong mag-artista si Kris?’ And then sinabi daw niya sa mom, ‘Maganda naman po, mukha naman pong may talent and mukhang gusto siya ng tao so payagan n’yo na po,’” kuwento ni Kris. Sinabi umano niya kay Erap na naging mabuti ito sa kanyang ina at hindi siya nag-ingay. “Almost linggo-linggo, may pagkain siyang pinaadalala quietly. Lumaki ang respeto ko dahil nirespeto niya kami bilang pamilya.”

Para kay Kris, mas importante sa kanya na ipinaramdam ni Erap ang magandang intensyon niya sa kalagayan ng pamilya lalo pa nang kinailangan nila ng privacy. “I want to say thank you for that because ayaw niyang malagay sa alanganin ang aming pamilya, na mabigyan ng political color. He made me appreciate him so much more. When mom needed a friend he was a friend kaya maraming salamat sa kanya (at) sa buong pamilya nila,” tapos ni Kris.

No comments:

Post a Comment