Kris Aquino Interview On "The Buzz"

Please Pray for my mom

Tuesday, July 21, 2009

Kris Aquino on her mom’s battle against cancer: ‘Hindi ko na kayang maging strong’


Sa pamamagitan ng The Buzz kahapon ay nagpaalam ang host na si Kris Aquino na hindi muna siya regular na makikita sa kanyang mga programa, partikular na ang Showbiz News Ngayon o SNN, upang bantayan ang kanyang ina na si Cory Aquino na nasa seryosong kalagayan ngayon sa ospital. “In the next few days po, I might be at work, I might not be at work,” simula ni Kris. “Sana ho maintindihan po ninyo na these are very difficult times. Ayoko hong magkaroon ng regrets na bakit ako pumasok sa trabaho when I could have been in the hospital. Sana ho naiintindihan n’yo rin kami na kung ano na lang ang oras na natitira, I would want to be there beside my mom. I want to be there with her.” Nagpasalamat din ang actress-host sa pang-unawa at mga dasal para sa dating pangulo.
Naging prangka rin si Kris sa pagsasabi na sa loob ng isang buwang nasa ospital ang kanyang ina na nakikipaglaban sa colon cancer, ay ito na ang pinakamalaking pagsubok para sa kanilang buong pamilya. “Siguro eto na ‘yung pinakamahirap na time for all of us and for her. She’s in pain already. So please pray for her na sana ma-lessen (ang pain) kasi ang hirap-hirap talaga na makita na nahihirapan siya.”
Sinabi rin ni Kris na hindi madali para sa kanya na magtrabaho upang magbigay ng entertainment sa publiko habang ang kanyang ina ay nasa ospital at nakikipaglaban sa sakit. “Mahirap pong mag-entertain talaga ‘pag basag na basag na ‘yung puso mo,” naluluhang pahayag ni Kris. “Again Philippines, thank you kasi you’ve given us strength. But I’m being honest po hindi ko na kayang maging strong. And for whatever time is left, I wanna be beside my mom the same with all my siblings.”
Sinabi ni Kris na mag-uupdate siya lagi tungkol sa kondisyon ng kanyang ina dahil kasama ang sambayanang Pilipino sa pakikipaglaban ng dating pangulo sa kanyang sakit. “Kung ilang oras, ilang araw, ilang linggo, ilang buwan pa ang ibibigay ni God sana po tulungan n’yo po kami na magdasal na huwag na lang lalo pang mahirapan ang mom. Kasi talagang nakakadurog ng puso talaga ‘pag nakikita siyang hirap na hirap. So pray with us please that the suffering will be lessened.”

No comments:

Post a Comment