Thursday, July 23, 2009
Kris Aquino says she doesn’t feel burned out despite her busy schedule
Araw-araw kung makita si Kris Aquino sa telebisyon dahil sa dalawa niyang show, ang Showbiz News Ngayon at Pinoy Bingo Night. Tuwing weekends naman, napapanood din siya sa showbiz-oriented talk show na The Buzz. Bukod pa roon, she is also a mother to two boys, Joshua and Baby James and a wife to basketball player James Yap. Gayunpaman, sinabi ni Kris na never niyang naramdaman ang pagka-burn out. Aniya, malaki ang naitutulong ng pagiging masaya sa ginagawa niya and she is happy with her personal and professional life. “Kasi, number one (source of happiness) talaga ‘yung mga anak ko, constant source of joy talaga,” simula ni Kris. “Alam mo ‘yung joy na yon, at this point both of them talaga they would still prefer my company over any body else, ‘yun ang bongga don. And then mula two years old (ako), it’s not an exaggeration to say that this is what I wanted to be doing. So very few people I think are blessed to have the career that they wanted as a child. ‘Yung dream mo ‘di ba? So ‘yun eh. So hindi talaga ako nabu-burn out.”
Hindi naman ipinagkaila ni Kris na may mga times na talagang nadi-drain siya dahil sa haba ng oras ng pagtatrabaho pero hindi siya nagrereklamo. “Alam mo my bad days lang naman talaga are Tuesdays and Wednesdays kasi ‘yun ‘yung talagang from 10 am to midnight (ako nagtatrabaho). But I have Saturdays off unless I’m shooting a commercial kasi ‘yung Saturdays ko kailangan mag-mass at 6:00 pm and mag-dinner in the event na hindi kaya ng Sunday,” pag-amin ni Kris. Pagdating naman umano ng Linggo ay nagbo-bonding silang pamilya pagkatapos ng trabaho niya sa The Buzz. “Sunday after The Buzz, eat-out time with the kids. They get to choose kung saan (kakain) but they’re both into Japanese so dadalawang restaurants lang ang iniikutan namin every Sunday night na pati siguro ‘yung mga waiters nagsawa na sa amin.”
Dalawang beses naman sa isang buwan ay nagbo-bonding naman sila ng kanyang hubby na si James. Ani Kris, they get to watch movies every other week and sometimes dinadala nila ang mga bata. Bukod din sa mahal ni Kris ang kanyang ginagawa, inamin din niya na nakakakuha siya ng sapat na pahinga para sa pang-araw-araw na gawain. “I love to sleep more than eating. I can skip meals but I can’t skip sleep. Ang problema dun nga, it takes one and half to two hours (before I can sleep at night kasi) ‘yung adrenaline kasi ang taas. So mga 1:30 AM to 2:00 o’clock AM pa ko nakakatulog.”
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment