Hindi maiwasang hindi maapektuhan si Boy Abunda sa sitwasyong kinasusuungan ngayon ng kaibigan nitong si Kris Aquino. Sa set ng The Buzz last Sunday ay humagulgol na naman si Kris on air after nitong mapanood ang VTR interview ni Boy kay Ruffa Gutierrez, who was saying goodbye sa Kapamilya network. " Hindi ko alam kung bakit ganoon siya ka-emosyonal kanina na talagang umiyak na si Krissy ng ganoon. I felt Krissy's feelings. Oo naman, kahit sinong kaibigan, kapag nakita mong umiiyak ang kaibigan mong minamahal, nasasaktan ka rin," bungad sa ABS-CBN.com ni Boy nang makausap namin ito after the show. " Sino ba naman ang mag-akalang that after ay siya pa 'yung masisisi? ' Di ba? Of course, affected siya unang-una and sa side ko naman, ang hirap nung situation na 'yun at lubos-lubos ang pagkakaintindi ko kay Krissy."
Ano naman ang kanyang maipapayo o masasabi sa tuluyang pagpaalam ni Ruffa sa The Buzz?
"You know, like what I told Ruffa that this is not good-bye. It's so hard to say that to someone that you've loved, like Ruffa na ilang taon din naming nakasama ni Kris sa The Buzz. Kay Ruffa, maliit lang itong industry nating kinaiikutan. It was just a temporary good-bye, we will miss her, napaka-respectful niyang tao, nagkaroon lang ng unfortunate incident, but she's so brilliant, intellegent girl at kung anuman ang kanyang naging choice ay okay rin sa aming mga kaibigan niya," Boy explained.
Sa mga ganitong sitwasyon, bilang kaibigang matalik nina Ruffa at Kris, ano naman ang kanyang pakiramdam na laging nasa gitna ng sitwasyon? "It's territorial. Hindi na bago sa akin ang mga ganitong sitwasyon. Nakakabigla lang especially kapag instant situations like what happened. Bilang kaibigan at tao, maybe I should say that it's a test of endurance, character, and patience. Mahirap lang talaga maipit. Maraming pagkakataong nangyari ang ganyan sa akin. It is very hard. Like after that incident, napakaraming tumawag sa akin for interview and everything but I decided to keep quite about it, I gave first the privacy to both Ruffa and Kris, ganoon dapat ang kaibigan na, it's really hard. Keeping that balance, without using your cool, losing yourself. Mas maganda at mas masayang nabubuhay kung marami kang kaibigan o kaibigan ko lahat kung pu-pwede lang, 'di ba?"
Sa lahat ng pangyayaring ito, ano naman ang kanyang naging conclusion? " Alam kong maliit lang ang industry nating ito. Alam kong magkakasalubong din itong sina Ruffa at Kris at magtatawanan na lang 'yan. I love you both. What a journey it has been. Kay Ruffa, stay and remain beautiful, to continue and be the best of who you are. Kay Kris, she knows it that she's the little sister that I never had. I mean, bawat luha niya, luha ko rin. Bawat tawa niya ay tawa ko rin, bawat ngiti niya ay ngiti ko rin. Kung kailangan niya ako, hindi pa niya sinasabi ay nandiyan na ako. I will always be here for Kris everytime she needs me, what I want now is for the two girls to be happy." paglalahad pa ni Boy.
Nagbigay rin ng kanyang pahayag ang sikat na host patungkol sa isyung pagpasok diumano ni Gretchen Barretto sa The Buzz bilang replacement ni Ruffa Gutierrez. "That's not true! I'm her manager, maraming schedules si Gretchen, medyo busy talaga siya sa scheds niya plus the fact na wala naman talagang natatanggap na offer or wala naman talagang offer kay Gretchen to enter sa The Buzz as our new co-host," pagtatapos ni Boy